ANTON'S POV "May problema ba kayo ni Clark?" isang umagang naitanong sa akin ni Mark habang nasa loob kami ng room namin naghihintay sa Prof. Hindi ako umimik, hindi ko siya sinagot at nanatili akong tahimik. "I guess so," sabi niya, nagkatinginan ang tatlo at kanya-kanya na lamang silang nagkibit-balikat. "Tomorrow will be the first day of our anniversary celebration. Ready na ba kayo?" tanong ng Prof. namin nang makapasok na siya sa room at agad namang sumagot ang mga kaklase ko na ready na habang ako ay nanatiling tahimik lamang. "Mr. Martin, ready ka na rin ba?" baling sa akin ni Prof. kaya agad akong napaangat ng mukha. "O-opo," sagot ko kahit hindi ko alam kung ready na ba ako lalo na at ganito pa ang sitwasyon namin ni Clark. "Sounds good and I'm looking forward for the good

