CLARK'S POV "Kayo na lang muna. Kararating lang ng boyfriend ko and I want to spend my time with him." Parang sirang plakang bumalik-balik sa isipan ko ang sinabing iyon ni Anton kaya sunud-sunod na pagtungga ng alak ang ginagawa ko para kahit papaano'y kumalma ang puso ko pero pakiramdam ko, habang tumatagal lalong nagiging masakit ang lahat. "Dude, masyado ka nang lasing," awat sa akin ni Mark. Yes! I'm with them. At first, ayoko sanang sumama dahil sa pag-aakalang sasama sa kanila si Anton pero nagbago ang lahat ng biglang sumulpot ang boyfriend niya at hindi ko inaasahang sasama pala siya dito kaya kahit na tumanggi na ako ay ako na mismo ang nagyaya sa kanila na ituloy ang pagba-bar matapos umalis si Anton. Ayaw na sana nilang ituloy ang pagba-bar pero dahil sa akin, andito kami ng

