ANTON'S POV First day ng anniversary celebration ng school namin ngayong gabi at ang unang inaabangan ng lahat ay ang dance competition kung saan ay kasali sina Vence at Ken. Magkakatabi kaming lahat sa upuan kasama si Clark at ang tropa niya. Nasa dulo ako at nasa dulo rin siya. Napuno na ng hiyawan at sigawan ang loob ng pinagdarausan ng event. Kanya-kanyang pagche-cheer ang ginagawa ng bawat departments para sa kanilang contestants. At makalipas ang ilang sandali ay sinimulan na rin ang event. Matapos magperform ang ibang departments ay tinawag na rin sa wakas sina Vence at Ken para susunod na mape-perform. Mula sa backstage ay lumabas na si Vence pero ang ipinagtaka namin ay ang hindi paglabas ni Ken. Nagpalinga-linga si Vence at alam kong hinahanap niya si Ken pero walang Ken na

