ANTON'S POV Pagkalabas ni Vence sa hospital ay hindi na siya nakatakas pa sa sinabi ng ina niya na kanilang pag-uusapan ang tungkol sa kasal niya kay Romir. Natuloy nga iyon at hinihintay na lang din nila ang date sa kanilang kasal. Hindi man namin alam ang totoong istorya sa likod ng lahat ng mga nangyari ay alam ko, mapalad ang kaibigan ko dahil kay Romir siya napunta. Hindi rin namin alam kung si Romir nga ba ang ama ng baby na kanyang dinadala. This is the third day of our celebration sa aming school anniversary at ito na 'yung time para sa paligsahan kung saan kasali si Clark. "Good luck," nakangiting sabi ni Lani sa akin. Nandito ang buong tropa maliban lang kay Ken. Engaged na sina Vence at Romir pero walang imikan ang nangyayari sa kanilang dalawa. Nag-uusap lang sila kapag

