ANTON'S POV Maaga akong nagising nang biglang pumasok si Aling Babeng sa kwarto at binuksan niya ang kurtina sa kwarto ni Clark. "Good morning, Sir Clark," bati niya sa akin. "Good morning din po," bati ko rin sa kanya. Lalabas na sana siya ng muli niya akong nilingon. "Happy birthday nga po pala," sabi niya saka siya tuluyang lumabas sa kwarto. Napaawang ang mga labi ko sa narinig. Birthday ni Clark ngayon? Napatingin ako sa side table at may nakita akong isang maliit na box na may kasamang kapirasong papel. Dali-dali kong kinuha iyon saka binasa ang nakasulat. Galing kay Tita Lucia. Clark, my son. Happy birthday. Wishing you a good health and more blessings from the above. Clark, I just want to say sorry for everything I've done. Sorry kung dahil sa kagagawan ko, nagawa mong kamuh

