ANTON'S POV Nang malaman ko ang katotohanan, nagi-guilty ako para kay Mama dahil kinasuklaman ko siya sa isang kasalanan na hindi man lang pala niya nagawa at kahit papaano'y gumaan na rin ang kalooban ko. "Tubig?" Napatingala ako kay Mama nang iabot niya sa akin ang isang basong tubig. Tinanggap ko iyon at umupo siya sa tabi ko, kasalukuyan kaming nasa hardin nakaupo. Tahimik lang siya sa tabi ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin but out of nowhere biglang lumabas sa bibig ko ang mga katagang matagal ko na ring hindi binibigkas. "I'm sorry," napatingin sa akin si Mama saka ngumiti. "Let's forget about the past. I want to face today, tomorrow with you without any hatred," nakangiti niyang sabi. "Let's move on. Ok?" Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon at muling dumaloy ang mga lu

