CLARK'S POV Nakatihaya na ako sa ibabaw ng kama at nakaunan ang ulo ko sa kanan kong braso habang nakatitig sa kisame at nagmumuni-muni tungkol sa mga sinabi ni Jane kanina sa farm nina Ken. "Masama ang loob mo kay papa dahil sa pag-aakalang napakairesponsable niyang ama," naalala kong sabi ni Jane sa akin kanina. "Kuya, hindi niyo ba iniisip na possibleng ang taong kinamumuhian niyo ay biktima rin pala?" Naguguluhan ako sa sinabi niyang 'yon. Ano ba ang ibig niyang sabihin? "Sana, matuto kayong makinig sa mga sasabihin nila dahil hindi niyo alam, may tao na pala kayong nasasaktan," napabalikwas ako ng bangon, kailangan ko nang malaman ang katotohanan. Agad akong bumaba sa sala at agad kong hinananap si Rita pero hindi ko siya makita. Nagpasya akong puntahan siya sa kwarto niya baka a

