CLARK'S POV Pagkagising ko ay agad akong pumasok ng banyo, naghilamos at nagmugmog ako. Nang maiayos ko na ang sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto. Habang pababa pa lang ako sa hagdan papuntang sala ay tanaw ko na ang taong hindi ko inaasahang makikita sa labas ng bahay nina Anton. Si Mama! Dali-dali akong lumabas nang makita kong kausap ni Mama ang Mama ni Anton. Natigilan ako sa paglalakad ng biglang lumuhod si Mama sa harapan ni Tita Rita habang nagsisimula nang tumulo ang kanyang mga luha. Pakiramdam ko, pinagsasaksak ako ng paulit-ulit sa ginawang pagluhod ni Mama dahil ever since na nagkaroon ako ng wastong pag-iisip ay hindi ko siya nakitang lumuhod sa harapan ng sinuman kaya ganu'n na lang ang sakit na nararamdaman ko. "Sorry, Rita. I'm so sorry. I should've not done that to

