CLARK'S POV Tama nga ang sabi nila na kapag pinakawalan mo na ang masasakit mong nakaraan ay gagaan ang iyong pakiramdam. Kahit na hindi na buo ang aming pamilya ay umaasa pa rin ako na balang-araw, babalik kami kung ano kami dati. Masarap na rin sa pakiramdam 'yong tipong wala nang bumabagabag sa iyong kalooban. Malaki na rin ang pasasalamat ko dahil nagkaroon kami ng isang ama na handang umitindi sa amin kahit na ang hirap ko nang intindihin. Nagpasalamat rin ako dahil pinatawad pa rin niya ako sa kabila ng lahat ng mga nagawa ko sa kanya. "Ready ka na?" tanong sa akin ni Joey habang hinihintay namin ang oras kung kailan magsisimula ang pagpi-paint. Bago mag-5:00 ng hapon ay kailangan nang masimulan ang paligsahan. "Galingan mo," pagche-cheer ni Lani sa akin. "Congrats nga pala,"

