ANTON'S POV Sa pagdiriwang namin ng victory ball ay wala na ako sa sarili ko. Alam na rin ni Direk ang gagawin namin mamaya. Hindi na rin ako kinakausap ni Clark at umiiwas na siya. Kahit pa makabalik na kami sa sarili naming katawan, pwede pa naman kami maging magkaibigan, di ba? Pero bakit kailangan pa niyang putulin ang anumang nag-uugnay sa amin? Dahil ba nagi-guilty siya sa mga nangyari sa pagitan ng pamilya namin? Ok naman ang lahat, ah! Naging ok na sila ng kapatid niya, ng ina niya at lalo na ng kanyag ama. Ano pa ba ang dahilan niya? Nang i-announce na ang mga nanalo sa ibang paligsahan ay ang saya-saya ng lahat. Binigyan ako ng trophy at certificate para sa pagkapanalo ko. Si Lani ay may trophy at certificate ring natanggap. Ganu'n rin si Clark. Si Vence, nadisqualified dah

