CLARK'S POV Nang makaalis na sina Anton at Direk ay ni hindi man lang nag-abala si Anton upang tapunan ako ng tingin. Naiintindihan ko. Alam ko naguguluhan pa rin siya sa mga gusto kong mangyari. Pero ito lang ang tamang paraan para maiwasan ko na madagdagan pa ang kung anumang kamalasan na ibinigay ko sa kanilang pamilya, sa kanyang buhay. Pagkaalis nila ay niyaya ko ang tropa na mag-inuman muna kahit kunti lang. Sinabi ko sa kanila na gusto ko lamg mag-celebrate sa napanalunan ko kahit ang totoo, gusto ko lang uminom para makalimutan ang lahat-lahat ng hindi naming pagkakaunawaan ni Anton. Bumabalik-balik sa isipan ko ang salitang "true love kiss". Nasasaktan ako. Gusto kong umiyak. "Dude, lasing ka na," puna ni Mark sa akin. Pero hindi ako tumigil sa pagtungga. "Sabi mo, iinom tayo

