CLARK'S POV "Ang ganda yata ng mood natin, ah!" bungad ni Yaya kinaumagahan nang pagpasok niya sa kwarto ay may pakanta-kanta pa akong nalalaman. "Masama po ba?" tanong ko naman. "Hindi naman. Ah! Siyanga pala, andu'n na si Direk sa baba hinihintay ka." Biglang umasim ang mukha sa sinabi ni Yaya. Ganito ba talaga ka-inlab ang taong 'yun kay Anton kaya kahit araw-arawin pa niyang maghatid-sundo ay hindi siya napapagod? Pero wala naman akong magagawa kaya agad na akong bumaba pagkatapos kong ayusin ang sarili ko at hindi nga nagbibiro si Yaya , andito nga si Direk kausap ni Rita. Nagsitayuan sila nang makita nila akong bumaba. "Hi, babe," bati niya sa akin nang makalapit na ako sa kanila. "Hi..." bati ko rin at napatingin kay Rita, "...alis na po kami," paalam ko dito. "Alis na po

