CLARK'S POV
Matapos ang eksinang kinasangkutan ni Lani ay hindi na ito nawala sa isipan ng mga nakasaksi sa mga nangyari. Lagi nalang namin naririnig ang pangungutya sa kanya, kahit sino ang madaanan namin ay masama ang tingin sa kanya at pinagtsitsismisan na rin siya sa buong campus dahil may kumuha ng video nang eksinang yun at inupload sa website ng school kaya lahat ay nakapanood sa nangyari. Lahat nakaalam.
Pinipilit naming pagaanin ang kalooban ni Lani pero hindi parin talaga nawawala ang sakit na nararamdaman niya. Kapag lumalakad siya ay palagi nalang siyang nakayuko para lang hindi niya makikita ang mga mapanghusgang mukha ng ibang mga estudyante.
"Ms. Reyes?" Tawag ng Prof. namin kay Lani, isang araw.
"Y-yes, Prof?" Sagot naman niya.
"Your name is in the list as one of participants for Ms. Stanford night for this incoming Stanford University's anniversary."
"Po?!" Napatayo si Lani, gulat na gulat at napanganga sa sinabi ng prof. namin pati na rin ako sobrang nagulat dahil hindi ko rin 'to inaasahan na mapunta ang pangalan niya doon. Napatingin siya sa akin na para bang tinatanong niya ako kung bakit nakalista ang pangalan niya para sa Ms. Stanford night pero kibit-balikat lang ang naging tugon ko.
"Ah, Prof. I think you mistaken it," paniniguro ni Lani.
"Nope! Pangalan mo talaga ang nandito."
"Bakit ka sasali sa competition na 'yun? Hindi ka naman bagay du'n, ah!" Galit na napatingin ako sa kaklase namin dahil sa mga binitawan nitong salita.
Mapanghusga rin! Napayuko na lang si Lani.
"Prof, pwede niyo po bang burahin ang pangalan ko diyan?" Mangiyak-ngiyak niyang tanong habang nanatiling nakayuko.
"Wala na po bang ibang paraan para mawala siya sa list, Prof? Baka kasi ipahiya lang niya ang department natin."
Napakuyom ko ang palad ko sa narinig.
"I can't. Naipasa na 'tong lahat sa head."
"Kaya lang ----"
"Kung wala na pong paraan para mabura ang pangalan niya, ituloy na lang natin, Prof." Putol ko sa iba pa sanang sasabihin ng bruha at napatingin naman sa akin si Lani.
"Clark?" Pabulong niyang sabi.
"Ms. Lasmila, kung ikaw sana ang sasali doon, siguro papayag pa kami pero kapag 'yang kaibigan mong nerd, sorry we can't support her."
Napatayo ako sa inis at hinarap ko ang bruhang mapanglait.
"Ms. Mañigo, we are not asking your support, ok? Ms. Reyes needs only our support as her true friend and one more thing that you need to remember, real beauty can't be seen through our physical appearances but it can be seen if you are willing to dig someone deeply through your heart," inis kong litanya sa kanya at palihim naman akong binalingan ni Lina.
"Clark, tama na," pabulong niya ulit na sabi.
"Enough!" Awat ng prof namin kaya napaupo na lang ako.
"There's no problem if Ms. Reyes wants to join the competition 'cause this competition is open for all. Ayaw niyo 'yun, may magre-represent ng department natin and I'm sure Ms. Reyes will give her best to win. Right, Ms. Reyes?" Tanong ng prof. namin pero hindi nakasagot si Lani at napapikit na lang siya. Alam ko gulung-gulo na ang isipan niya.
"Ok. Let's wait and see," ani ng bruha, ibabato ko sana ang ballpen na hawak ko sa bruhang 'yun pero agad naman akong pinigilan ni Lani. Napatingin ako sa kanya at nakita kong umiiling-iling siya kaya hindi ko na lang itinuloy ang binabalak ko.
"What happened?" Salubong ni Ken sa amin nang makarating na kami sa canteen. Kumpleto ang tropa. Andu'n na rin sina Anton at ang tatlo kong kaibigan. Umupo si Lani na walang imik.
"Anong meron?" Tanong ni Anton ng nakaupo na ako sa tabi niya.
"May naglista sa pangalan niya para sa Ms. Stanford night's competition," sagot ko naman.
"What?!" Halos sabay pa nilang sigaw kaya tuloy nakaagaw kami ng attention ng ibang nandoon.
"Eh, sino naman ang may gawa nu'n?" Kunot-noong tanong ni Ken.
"We don't know," sagot ko naman.
"Wala namang masama du'n kung sasali ka, andito lang kami para sa'yo," pahayag naman ni Anton.
"This is your time to shine!" Dugtong pa ni Vence.
"Di ba parang advantage na rin sa'yo 'yun, Lani kasi this will be the right time to show your beauty to them," singit rin ni Romir.
"Absolutely! Specially du'n sa Carlong 'yun," sabi pa ni Ken.
"Yes! show to him na isa kang malaking kawalan sa kanya at -----"
"No!"
Sabay-sabay kaming napatingin kay Joey nang bigla niyang pinutol ang iba pa sanang sasabihin ni Vence.
"She don't need to do that..." sabi niya saka tumingin siya kay Lani, "...don't join the competition kung ang gusto mo lang patunayan kay Carlo na isa kang malaking kawalan sa kanya. Instead, do it for yourself, patunayan mo sa sarili mo na magagawa mo rin ang magagawa ng iba," litanya ni Joey at hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kanya.
Ang womanizer namin, may ganitong side din pala? Pero bakit parang may pakiramdam akong may kinalaman siya kung bakit nakalista ang pangalan ni Lani sa competition?
Matapos ang mahaba-habang discussion ay napagdesisyunan na rin ni Lani na ituloy na lang niya ang pagsali sa competition kahit pa hindi siya sanay sa mga ganu'ng gawain.
"Teka, sandali! Ba't mo ba ako hinihila?" Tanong ni Anton habang hinihila ko siya palayo sa maraming tao, isang hapon nang matapos na ang klase namin para kausapin siya tungkol kay Direk.
"Let's tell him the truth," sabi ko sa kanya.
"Huh?" Kunot-noong tanong niya.
"Let's tell Direk about us," sabi ko uli.
"B-bakit?" Taka naman niyang tanong.
"Anong bakit? Anton, nahihirapan na ako. Nandidiri ako sa kanya," nakasimangot kong sabi at namuo naman ang nakakalukong ngiti sa mga labi niyan.
"Ayaw mo nu'n? May kafling-fling ka?" Tukso pa niya.
Biglang nag-iba ang timpla ng mukha ko dahil sa sinabi niya saka ko siya dinuru-duro.
"Tigilan mo 'ko, Anton. Nakakadiri ka."
"Ba't ba big deal sa'yo 'yun? Babae naman ang katawan mo, ah!" Inosente pa niyang tanong.
"Bakit ikaw, kaya mo bang makipagholding-hands sa kapwa mo babae?"
"Oo naman nuh. Kaya ko nga makipagyakapan sa kanila, holding hands pa kaya?" Nagyayabang naman nitong sabi.
"Eh, 'yong halikan ka? Kaya mo ba?"
Natahimik siya, hindi siya makapagsalita.
"Oh, see? Hindi mo nga kaya kahit na nasa loob ka ng katawan ko," sabi ko, napatingin siya sa akin.
"Let's tell him the truth," pagpupumilit ko pa rin.
Wala na siyang magagawa pa kundi ang tumahimik at sumang-ayun nalang sa lahat ng gusto kong mangyari.
ANTON'S POV
"Wow! Ang ganda ng ginawa mo, ah!" Bulalas ko nang makita ko ang iginuhit ni Jane, isang araw sa glass house namin.
Madalas ko na siyang dinadala sa glass house para makapagsanay pa siya lalo. Sinisiguro ko lang na wala si Clark sa glass house para hindi sila magkatagpo at magkita dahil alam ko masama pa rin ang kalooban niya sa Kuya niya. Faith will find a way to heal her heart from anger.
"Talaga po?" Excited naman niyang tanong.
"Oo naman! Ang galing mo, ah" pagpupuri ko pa.
"Pero gusto ko pa ring mas magaling ako sa'yo."
"Why not? Just keep on practicing. I know, malalagpasan mo rin ako," sabi ko at nakita ko ang pagngiti niya habang ipinagpatuloy ang pagpi-paint.
"Here's your favorite snacks," sabi ko saka ilapag ko sa kabilang mesa ang juice and sandwiches na gawa ko at napangiti siyang lumapit.
"Thank you," Nakangiti niyang sabi at masaya naman ako habang minamasdan ko siya nang palihim.
"I'm right! Dito lang talaga kita matatagpuan."
Natigilan ako nang may biglang magsalita mula sa may pintuan. His voice registered quickly in my mind. It's Clark! Napatingin ako kay Jane at nakita kong nabigla rin siya sa biglaang pagsulpot ni Clark.
"Jane?" Sambit niya sa pangalan ng kanyang kapatid.
Natigilan rin si Clark nang makilala niya kung sino ang kausap ko.
"Why are you here?" Tanong ni Clark.
Dahan-dahan na tumayo si Jane, kinuha niya ang bag niya atska tumingin siya sa akin.
"Mauna na ako" sabi niya at dali-dali siyang lumabas at sinundan ko siya nang tingin. Nilagpasan lang niya ang Kuya niya na nasa pinto at nakatayo pa rin habang pinagmamasdan siya nito.
Agad hinawakan ni Clark sa braso si Jane pero pasimpleng hinablot nito ang kamay niyang nakahawak sa braso ng kapatid.
"Jane?" Tawag niya rito.
Agad ko siyang inawat at napatingin na lang siya sa akin na nakakibit ang balikat.