ANTON'S POV
Inaayos ko na ang sarili ko para pumunta na nang school. Nang isuot ko na sana ang helmet ko nang makita ko si Jane na palabas na rin ng bahay. Napatingin siya sa akin pero agad ring umiwas.
"Do you want me to send you in school?"
Napatingin uli siya sa akin at nagdadalawang-isip pang sumagot.
"Let's go," sabi ko saka lang siya nagsalita.
"O-ok lang ba?" Nahihiya pa niyang tanong.
Napangiti lang ako saka iniabot sa kanya ang isang helmet. Lumapit siya at tinanggap ang helmet na hawak ko at sinubukan niya itong isuot pagkatapos ay umangkas na siya saka ko na agad pinatakbo ang motorsiklo.
"Thank you," sabi niya nang makababa na siya. Tinanggal niya ang helmet na suot niya saka niya ito inabot sa akin. Tumangu-tango lang ako at tiningnan ko lang siya habang naglalakad na siya papasok. Saglit siyang lumingon sa akin at ngumiti saka tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.
Agad ko namang pinatakbo ang motor papuntang school. Matapos kong i-park nang maayos ang motor ay agad na akong lumakad papasok na siya namang pagdating nina Romir at Mark.
"Hey, dude!" Tawag ni Mark sa akin. Kahit alam na nila ang totoo na hindi ako si Clark ay ganu'n pa rin ang pakikitungo nila sa akin dahil sanay na raw silang tratuhin ako bilang si Clark at isa pa, si Clark naman talaga ang nakikita nila sa akin kaya ok lang.
"Kasama mo naman si Jane?" Tanong ni Romir.
"Yeah," matipid kong sagot.
"Sana maging ok na sila ni Clark," sabi naman ni Mark.
"I hope so," sang-ayon ko rin at maya-maya lang ay pareho kaming napahinto sa paglalakad nang may nakita kaming mga estudyante na parang may pinagguguluhan sa unahan kaya na-intriga kaming tatlo.
"Sandali, anong meron du'n?"
Tanong ni Mark sa isang estudyante na papunta rin sa pinagguguluhan ng marami.
"May isang babae raw'ng magtatapat ng pag-ibig niya sa ultimate crush niya." Sagot naman nito.
Ultimate crush? Sino naman kayang babae ang magkakalakas-loob para magtapat ng nararamdaman niya para sa isang lalaki?
"Tara! Exciting 'to," nakangiting sabi ni Mark at agad kaming lumapit sa nagkakagulong mga estudyante para maki-usosyo.
"Gusto kita, Carlo!" Sigaw isang babae. Literally, my jaw drop. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. I can't really believe about what I saw!
"Di ba, si ...si Lani 'yan?" Takang tanong ni Mark. Napatingin sa akin sina Mark at Romir.
Yes! It's Lani! She's confessing her feelings right now to her crush, Carlo! And I didn't expect na gagawin niya ang ganitong nagay kahit pa napaligiran na sila ng maraming estudyante.
Pinagtitinginan! Lumakad palapit sa kanya si Carlo at nang makalapit na ito sa kanya ay huminto ito sa harapan niya. Kinuha nito ang bag niya, binuksan ang zipper nito habang nakatingin sa kanya at dahan-dahan nitong ibinaliktad ang kanyang bag, ibinuhos nito ang lahat ng laman ng kanyang bag at sabay-sabay na nasipaglaglagan ang mga gamit niya sa sahig. Nakita ko kung paano nabigla si Lani sa ginawa nito sa kanya.
Itinaas nito ang mukha niya atsaka ito nagsalita, "I don't like you."
Napanganga ako sa narinig ko at kanya-kanya namang nag-bo ang ang ibang studyanteng nandoon. Nanunukso!
"Ang sakit nu'n!"
"Kawawa naman! Binasted?!"
"Dapat lang 'yan, hindi naman sila bagay."
"Wag ka kasing mangarap ng gwapo."
Nag-alala akong napatingin kay Lani at ramdam kong nangingilid na ang mga luha niya, pinipigilan lang niyang dumaloy sa magkabila niyang pisngi.
Pagkatapos sabihin ni Carlo ang mga salitang 'yun ay pagalit na itinapon nito ang bag niya sa kanya at tumama ito sa dibdib niya at walang anu-ano'y binangga siya nito na naging dahilan ng pagbagsak niya saka umalis ito sa kanyang harapan.
"He don't like a nerd-type girl."
"Wag ka kasing mangarap ng impossible."
Wika ng mga barkada ni Carlo sa boses na nangungutya saka siya iniwan ng mga ito. Tuluyan nang napaiyak si Lani hindi dahil sa kahihiyan kundi dahil sa sakit na nadarama. Sobra akong naawa sa kanya.
Nang hahakbang na nasa ako para lapitan siya ay bigla akong napatingin sa gilid ko nang may biglang bumangga sa balikat ko at hindi rin sinasadyang mabangga niya ang kabilang balikat ni Mark since magkatabi lang kami ni Mark at sa gitna namin siya dumaan.
"J-joey?!" Gulat na nasambit ko nang makilala ko ang bumangga sa akin. Tuloy-tuloy ang paglakad niya at napasunod naman ang mga mata ko sa kanya at hindi ko maalis-alis dahil ang direksyong binabaybay niya ay ang direksyong papunta kay Lani.
"Dude!" Tawag pa ni Mark sa kanya pero hindi siya nakinig. Nanlaki ang mga mata namin nang bigla niyang binangga si Carlo na kasalubong niya. Galit namang napalingon sa kanya si Carlo pero ni hindi man lang niya ito tiningnan at ni hindi man lang siya humingi ng sorry dito. Dire-diretso siya sa kinaroroonan ni Lani. Iniabot niya ang kamay niya dito, umiiyak na napatingin si Lani sa kamay niya saka ito tuluyang napatingala sa kanya.
"Huwag mong ipilit ang sarili mo sa taong ayaw sa'yo. Andito ako, handa akong saluhin ka kahit na sa iba mo gustong mahulog," narinig naming sabi ni Joey.
Lahat nagtitilihan, kinikilig. Sino ba naman kasi ang hindi kikiligan kapag ipinagtanggol ka ng isang Joey? Isang lalaking gwapo at mayaman na, masex appeal pa kaya habulin rin ito ng mga babae at sa kanilang grupo, siya ang tinaguriang " womanizer ". At sino ba naman ang hindi mabibigla kapag ang isang womanizer eh aasta nang ganu'n sa isang babae?
Napatingin sa akin sina Mark at Romir at ako naman ay kibit-balikat lang ang naging tugon sa kanilang dalawa. Dahan-dahan na tinanggap ni Lani ang kamay ni Joey at hinila siya nito patayo. Nang makatayo na siya ay pinulot ni Joey ang lahat ng mga gamit niyang kumalat sa sahig. Matapos pulutin ni Joey ang mga nagkalat niyang gamit ay tumayo na ito at walang anu-ano'y pinunasan nito ng hinlalaki nito ang luhang dumadaloy sa pisngi niya.
"Huwag mong sayangin ang luha mo sa isang taong hindi deserving nito," sabi nito na siya namang pagdating nina Vence at Ken kasama si Clark .
Nakita kong nakamasid si Carlo sa kanila at hindi ito makapaniwala sa nakitang eksina. Inis itong umalis kasama ang mga barkada nito.
"Lani! Anong nangyari?" Nag-alala tanong ni Ken saka na lumapit kaming tatlo sa kanila.
"What are you looking at? Tapos na ang palabas kaya alis na. Alis!"
Galit na taboy ni Vence sa mga estudyante kaya nagsipag-alisan na rin ang mga ito.
Napatingin ako kay Lani, nakayuko siya na para bang nahihiya sa amin dahil sa ginawa niya habang tumutulo parin ang mga luha niya.
"Are you ok?" Nag-alalang tanong ni Joey. Hindi umimik si Lani pero bigla naman itong tumakbo palayo sa amin.
"Lani!" Sigaw ko. Susundan ko sana siya pero pinigilan ako ni Mark.
"Hayaan mo muna. Naguguluhan pa 'yun," sabi ni Mark. Napatingin sa akin sina Vence at Ken na pareho ring nag-aalala sa kaibigan.
"Ako nang bahala sa kanya," sabi ni Joey at agad naman niya itong hinabol ang papalayong si Lani. Hindi naman ako mapalagay sa pag-alala sa kaibigan namin.