ANTON'S POV
Kagagaling ko lang sa pagjo-jogging nang pumasok ako sa kwarto ko para magbihis. Pero bago pa ako tuluyang nakapasok ay nakita ko si Jane sa loob, nakatingin siya sa isang art work na gawa ko na ipinatong ko sa side table na malapit sa kama. Nang mapansin niya ako ay dali-daling ibinalik niya sa table ang art work ko.
"S-sorry. Nangialam ako," hingi niyang paumanhin pero ngumiti lang ako saka lumakad ako papasok ng kwarto.
Kinuha ko ang isang face towel na nakasabit sa sandalan ng isang upuang nandoon saka ko ito ipinunas sa tumatagaktak kong pawis.
"Sorry kung pumasok ako without your permission."
Napatingin ako sa kanya pero wala parin akong imik.
"L-lalabas na ako," paalam niya.
Lumakad na siya palabas pero bago pa siya tuluyang nakalabas ay napahinto siya nang magsalita ako.
"Nagustuhan mo ba?" Tanong ko, pumihit naman siya paharap sa akin.
"Ang alin?" Tanong niya at tumingin ako sa art work ko.
"Ang art work ko," sagot ko at nakita kong tumangu-tango lang siya bilang sagot.
"Mahilig ka pa lang gumuhit?" Tanong niya.
"Talent ko 'yan," sagot ko naman.
"Talaga?" Mangha niyang tanong at tumangu-tango naman ako.
"Marunong ka bang gumuhit?" Tanong ko sa kanya.
"Oo pero hindi masyado," mapagkumbaba niyang sagot.
"Do you want me to teach you?"
Nangingislap ang mga matang napaatingin siya sa akin.
"S-seryoso ka?"
"Just say yes," sabi ko naman.
Napangiti siya habang nakatingin sa akin bago siya sumagot.
"Yes," sagot niya. Napangiti na rin ako nang makita ko kung paano sumigla ang mukha niya kaya hindi na ako nagdadalawang-isip pa, after lunch ay dinala ko siya sa glass house namin.
"Wow!! Ang ganda! Sa inyo 'to?" Mangha niyang tanong at tumangu-tango naman ako.
"My father built it."
"Ang ganda naman."
Niyaya ko na siya pumasok. Habang abala siya sa pagmamasid sa kabuuan ng glass house ay inihanda ko na rin ang gagamitin niya sa pagpi-paint.
"Gawa mo'to?" tanong niya habang nakatingin siya sa isang art work na gawa ko.
"Yeah!" I answered. Nakita ko ang pagngiti niya. Talagang masaya siya ngayon. Iniisa-isa niyang tiningnan ang mga gawa ko na nakadisplay.
"Halika na," sabi ko sa kanya at lumapit naman siya sa akin at agad ko namang in-offer ang upuan, nahihiya pang napaupo siya at saka siya nagsimulang gumuhit.
Habang abala siya sa pagguguhit ay tinutulungan ko naman siya kung anu-ano ang mga kakailanganin niya. Ipinapaalala ko naman sa kanya kung ano-ano ang dapat at hindi dapat niyang gawin habang nagpi-paint at kahit abala siya sa pagguguhit ay nakikinig naman siya.
Nang ako naman ang gumuhit ay maigi siyang nakamasid sa bawat stroke na ginagawa ko. Nagtatanong naman siya kung may mga hindi siya naiintindihan. Nagpaint uli siya and this time, pinanood ko na siya nang maigi. May talent siya sa pagguguhit, ang gaan ng mga kamay niya habang nagpi-paint siya.
She move her hand smoothly at bawat stroke na ginagawa niya ay talagang mahusay. Ibang-iba talaga ang Kuya niya kumpara sa kanya.
"Magaling ka naman pala sa pagguguhit," puna ko sa kanya.
"It's because of my father," sabi niya. Napatitig ako sa kanya.
Nakangiti siya habang binibigkas niya ang mga salitang 'yun.
"Namana ko 'to sa kanya," maya-maya'y sabi niya. Pareho pala kami, kay Papa ko rin namana ang pagkahilig ko sa pagguhit. Hinayaan ko na lang siya habang nagpi-paint siya at naghanda ako nang magiging snacks namin.
"Kain ka muna," napalingon siya sa akin at nakita niya ang sandwich and juice na gawa ko.
"Wow! I miss that," sabi niya habang nakatingin sa pagkain.
"Oh, halika na."
Dali-dali siyang lumapit sa akin saka kumuha ng sandwich at inabot ko naman sa kanya ang isang basong orange juice, tinanggap naman niya ito.
"Thank you," sabi niya saka kumagat ng sandwich at lumagok ng isang beses ng juice na gawa ko.
"Kuya Clark used to make me a sandwich before..." malungkot niyang sabi, "...but he changed after I decided to go after our father to the US."
Nanatili akong tahimik habang nakikinig sa kanya. Ang dami kong gustong itanong pero hindi ko alam kung papaano ko isasatinig kaya mas pinili ko na lang ang manahimik at makinig.
"He used to hate our father dahil akala niya, irresponsible siyang ama but Kuya Clark didn't know that he was wrong. Daddy is the best father in the world," mangiyak-ngiyak niyang pahayag.
Naiintindihan ko si Jane dahil alam ko, she know nothing, she didn't know the real reasons why their father left them behind. Kung alam lang niya sana, I'm pretty much sure na hinding-hindi na niya masasabi ang mga binitawan niyang salita ngayon.
CLARK'S POV
Ang sarap sana ng tulog ko nang biglang tumunog ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumawag, pabagsak na ibinalik ko sa side table ang phone ko nang makita ko sa phone's screen ko ang pangalan ni Direk. Muli kong ipinikit ang mga mata dahil gusto ko pa talagang matulog.
Napahinto na rin sa pagri-ring ang phone ko at masaya ako du'n, akala ko ay titigil na siya pero muli ba namang tumawag. Patigasan kami, hindi ko siya sasagutin. Bahala siya. Alam ko mapapagod rin niyan sa katatawag pero mukhang mali yata ako dahil kahit makailang dial na siya ay hindi parin siya humihinto sa katatawag hanggang sa naubos na ang pasensiya ko. Galit na ibinalibag ko ang kumot saka ko kinuha ang phone at pagalit na sinagot ko siya.
"Ano ba?! Natutulog ako, alam mo ba 'yun?" Pagalit na sabi ko sa kanya.
"Sorry, babe! Gusto ko lang sana marinig ang boses mo kasi kagigising ko lang rin."
Naniningkit ang mga mata ko sa sobrang inis pero bigla ba namang lumitaw sa isipan ko ang sinabi ni Anton na kailangan ko munang sabayan ang trip ng malanding lalaking 'to kaya pinilit kong maging casual uli ang boses.
"Ok lang. Sorry din sa nagawa kong pagsigaw," kunwa'y hingi kong paumanhin at napatawa naman siya ng mahina.
"Wala 'yun, babe. Labas tayo mamaya. Susunduin kita diyan."
"Huh?! Pero -----"
"Hintayin mo 'ko huh," sabi pa niya.
"Teka -----," hindi ko naituloy pa ang pagtanggi ko dahil end button na lang ang narinig ko, binabaan agad ako kahit hindi pa niya naririnig ang sagot ko.
Napahigpit naman ang hawak ko sa phone ko sa sobrang inis. Napasigaw ako sabay takip ng kumot sa mukha ko. Nakakainis! Mapapasubo na naman ako nito. Nakakadiri na talaga!
"Here. Ayan! That's your favorite," sabi niya habang sinasalinan niya ako ng pagkain sa pinggan. Dinala niya ako sa isang restaurant at kumain kami ng agahan namin.
Napatingin ako sa ulam na inilagay niya sa pinggan ko. Shrimps!! Ano ba naman 'to? Allergy pa naman ako nito. Dahan-dahan kong isinantabi ang binalatan niyang shrimp. Habang tiningnan ko siyang abala sa pagkain ay abala naman ang kabila kong kamay sa pag-alis ng shrimp sa pinggan ko.
Pasimpleng binuksan ko ang zipper ng shoulder bag saka doon ko na hinuhulog ang shrimp na buong-buo. Napatingin siya sa pinggan ko at nang nakita niyang halos wala ng laman ang pinggan ko ay dali-dali siyang nagbalat uli ng shrimp at inilagay niya sa pinggan ko. Palihim na nanggagalaiti na ako sa sobrang inis.
"Ang bilis mo talaga kumain ng shrimp, babe. Oh , heto pa at baba -----"
"It's enough. I don't want to eat it anymore," agad ko na siyang pinigilan dahil baka mapuno na ng shrimps ang shoulder bag na dala ko.
"Ok," maikli niyang sagot.
Hay, salamat at tumigil na rin. Pagkatapos naming kumain ay nagyaya pa siyang mamasyal muna. Gusto kong tumanggi pero hindi ko na nagawa.
Sumakay kami sa carousel together at nasa likod ko siya. Ansarap talaga itulak para mahulog and after that, we played a bumping cars. Sinadya kong banggain siya ng malakas para masaktan siya pero haist! Parang kinikilig pa yata, eh.
Panay ang ngiti, ang laki ng ngiti niya at every time na hahawakan niya ang kamay ko ay agad-agad akong hahanap ng alibi para hindi niya ako mahawakan o di kaya ay mayakap. Napatingin ako sa isang roller coaster at may kung anong brilliant idea ang pumasok sa utak ko, sana gumana.
"B-babe?" Para kong batang tawag sa kanya kahit diring-diri na ako.
"Yes, babe?" Malambing din niyang sagot.
"Sakay tayo," sabi ko sabay turo sa roller coaster.
"H-huh? Pero----"Sige na please," pakiusap ko habang nakahawak ako sa braso niya at bahagya ko itong niyugyog.
"Please," para akong bata habang nakikiusap ako sa kanya.
"Babe, alam mo naman na ----"
"Just once, please," pagpupumilit ko pa.
"Just once?" He asked and I nodded at may kung anong kiliti ang bigla kong naramdaman dahil pakiramdam ko, tama ang hinala ko. He's afraid of height!!
"Please! Pleaseeee," I pouted para mas lalong attractive, mas lalong cute at nang hindi na siya makatanggi pa. He looked at me and he slightly pinched my nose.
"Kahit kailan talaga, hindi ako makakatanggi sa'yo kaya lang----"
"Please..." putol ko na sa iba pa niyang sasabihin para siguradong hindi na siya makakatanggi pa. Hindi siya umimik kaya hindi ko na siya tinigilan pa.
"Please ...I promise, ngayon lang 'to."
"Promise?"
I raised my open right hand facing towards him.
"I promise," nakangiti kong sabi habang nagdidiwang ang kalooban ko dahil pakiramdam ko, malapit ko na siyang mapapayag.
He released a deep breath and he looked at me again.
"O-ok!"
Sa wakas! Napapayag ko na rin. Napangiti ako nang kaytamis-tamis habang lihim na nagdiwang ang kalooban ko dahil atlast napapayag ko na rin siya.
Excited na excited na akong sumakay ng roller coaster at siya naman ay nagdadalawang isip pa kaya hinila ko na siya para hindi na makaback-out pa. Nang magsimula nang umandar ang roller coaster ay naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko, habang pabilis nang pabilis ang pagtakbo ng roller coaster ay pahigpit nang pahigpit rin ang pagkakahawak niya sa akin.
Nagsisigawan na ang ibang sumakay at sumabay na rin ako, nagsisigaw na rin ako hindi dahil sa tensyon na hatid ng pabilis na pagtakbo ng roller coaster kundi dahil nagbubunyi ang puso ko. Pagkatapos ng isang round ay muli ko siyang inanyayahan para sumakay uli.
Umiling-iling siya pero hindi na rin nakatanggi dahil hinila ko siya uli. Tatlong beses kaming sumakay ng roller coaster kaya nang bumaba kami ay hinang-hina na siya. Parang he wants to throw up pero pinipigilan lang niya. Para na siyang isang papel na walang kalaka-lakas kaya nang bumaba siya ay muntikan na siyang mapasubsob, napasigaw naman ang ibang nandoon na nakakita sa kanya, buti na lang at maagap ang staff na nandoon, agad siya nitong inalalayang makahakbang ng maayos. Ako naman ay agad na lumapit sa kanya at kunwaring nag-alala.
"B-babe? Are you ok?" Tanong ko habang hawak-hawak pa siya ng staff. Mapupungay ang mga matang tumingin siya sa akin saka dahan-dahan na ngumiti.
"O-ok lang ako," nakangiti niyang sabi saka nagthumps-up pa.
Binitawan na siya ng staff at tumangu-tango naman ako saka tumalikod sa kanya. Agad akong napalingon sa kanya nang bigla ba namang magsigawan uli ang mga taong andu'n. I saw him lying on the ground.
Bumagsak siyang walang malay dahil nga siguro sa panghihina niya at takot. Kunwaring agad ko siyang sinaklolohan pero ang totoo, para akong nakakakita ng mga fireworks na nagputukan dahil nag-mission succeed ako.