"Dok! " Nilingon niya ang kanyang assistant nurse. "Dumating na ang mga pasyente natin," inporma nito. Tinanguan niya ito. Noong isang araw pa sila nasa tuktok ng bundok. Ang buwanan medical mission ng grupo niya. Alam niya hindi tama na bigla na lang siya umalis at hindi magpakita kay Diana. Pero..siguro hindi lang siya handa sa magiging reaksyon nito sa mga nangyari ng gabi iyun. Naikuyom niya ang mga palad. Nagdilim ang lahat sa kanya ng makita niya ang ginagawa ni Danilo sa kasintahan niya nang gabi iyun. He wants to kill him! Sa paghuhulagpos ng kanya galit hindi na niya nakontrol pa na hindi magshift sa anyo lobo niya. He sighed. Hindi sa ganun paraan niya gusto malaman ng kasintahan ang totoo niya pagkatao. Kaduwagan nga siguro ang ginawa niya ngayon. Gusto lang niya bigy

