Binusinihan niya ang nakatayo si Zei sa may pintuan. Tila kanina pa ito naghihintay sa kanya. "Mahal na Prinsipe.." pagyukod nito. Minsan gusto na niya ito pagsabihan sa ginagawa nito pagbati sa kanya. Oo,natural lang na pagpupugay yun sa isang tulad niya prinsipe pero hindi sa katulad nito. May pakiramdam siya na dapat siya ang umaakto nun dito kaysa siya ang niyuyukuan. "Zei.." bati niya rito. Alam niya binabantayan nito si Diana habang nasa Maynila siya. "Kamusta si Diana?" agad na pagtatanong niya. "Nawawala siya.." Agad na dinunggol siya ng pag-aalala at pagkapanik sa sinabi nito. "What? Anong ibig mong sabihin?" mariin niya saad. Hell,hindi niya makakayanan na tuluyan ito mawala sa kanya. Ngumisi ito. Agad na sinamaan niya ito ng tingin. "Hindi yan magandang biro.." "Pa

