Nasasabik na siya makita si Yael pero may halong kaba at inis. Bakit wala pa ito? Ayaw niya magpalipas ng gabi rito na wala ang kasintahan. Inipit niya sa likod ng tainga niya ang ilang hibla ng buhok niya na tinatangay ng malakas na hangin na tumatakip sa kanya mukha. Maingat ang bawat hakbang niya. Sa bawat pag-apak niya sa pinong buhangin ay lumulubog iyun. Nang mapagod sa paglalakad huminto siya at humarap sa karagata. Maya-maya lang ay lulubog na ang araw. Sana dumating na siya. Napalingon siya sa kanang bahagi niya at may isang pamilyar na bulto ang papalapit sa kanya. Agad na gumalagabog ang kanya dibdib. Yael.. "Diana.." matiim nito saad. Sabi niya sa sarili hindi siya iiyak kapag nagkita sila muli nito pero nagkamali siya. Bumulwak ang mga luha niya. Bumukas ang pag-aala

