Halos kinakabahan akong umuwi dahil alas dos na ng madaling araw ng matapos ang usapan nila Dave at ng kanyang client. Nag-taxi na lamang ako pauwi dahil halos kabisado ko na ang daan sa araw-araw na paghatid sa akin ni Aspen sa trabaho. Nang makababa ng sasakyan ay halos madapa ako sa pagmamadali na mabuksan ang pinto. Gising pa kaya si Aspen? Naghihintay pa kaya siya sa pagdating ko? Nahihintatakutang binuksan ko ang pinto ng marahan, yung tipong hindi ito makagagawa ng ingay dahil ayokong mabulabog si Aspen sakaling natutulog na ito. Marahan kong sinara ang pinto ngunit halos mapatili ako ng biglang bumukas ang buong ilaw ng sala. "Bakit ngayon ka lang?" inis at pupungas-pungas na tanong ni Aspen habang nagkakamot ito ng ulo at ginugulo ang dati ay magulo nang buhok. "Ngayon lang

