"D*mn it!" Inihagis ni Aspen ang phone niya sa couch. Buti na lamang ay malambot iyon kung hindi ay basag-basag niya iyong pupulutin. Ilang araw na ang lumipas na bad mood palagi si Aspen dahil walang tumatanggap sa kanya sa trabaho dahil sa impluwensya ng kanyang ama. Mukhang pinangunahan na nitong bantaan ang mga korporasyon na huwag tanggapin si Aspen dahil sunod-sunod na pagtanggi ang nakuha niya sa lahat ng kanyang naapplyan at ng lumapit siya kay Sylvia ay hinindian rin siya nito. Dito niya nalaman ang tungkol sa paghadlang ng kanyang ama sa kanyang paghahanap ng trabaho at labis na siyang nape-pressure dahil hindi na niya alam ang gagawin. Malungkot ko na lamang siyang pinagmasdan habang paikot-ikot siyang naglalakad sa salas ng bahay at minamasahe ang alimpatakan. Buti na lamang

