Shopping day!

1631 Words

Nagising akong tulala sa kisame. Napaka aliwalas ng umaga na iyon at iniisip ko kung ano ang maaaring gawin para magpalipas ng oras. Habang nakatitig sa kisame ay naalala ko ang mabigat na palitan ng mga salita nina Aspen at ng kanyang ama. Ni isang beses ay hindi nabanggit nito sa akin na naka pangako na pala ito na ipakasal sa isang anak mayaman na nagngangalang Sylvia. Napag-isip isip ko tuloy. Anong klaseng babae kaya siya? Malamang ay napaka-ganda nito at mala porselana ang kutis gaya ni Giselle. Siguro ay napapalamutian ito lagi ng mga mamahaling alahas gaya ng mommy nila Aspen at nakasuot lagi ng damit na nagkakahalaga ng dalawang taon na sahod ko sa aking trabaho sa coffee shop. Bigla akong nanliit sa sarili. Narealize ko na sobrang layo ng mundo na pinagmulan namin ni Aspen.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD