Agad nawala ang ngiti sa mga labi ni Aspen ng lumapit ang kanya Daddy sa mahaba at engrandeng lamesa na iyon. Natahimik din ang Mommy niya at tumikhim naman si Giselle. Ang kaninang masayang pagkakamustahan namin ay napuno ng awkwardness lalo na ng maupo ang ama ni Aspen dahil hindi tumabi ang mama niya rito. Minasdan ko ang papa niya. Mukha pa itong makisig despite his age at may pagka mahaba ang itim na bigote nito habang may seryosong ekspresyon ang mukha. Hindi ito ngumiti at tumango lamang ito pagkakita sa akin na labis kong ikinabahala dahil baka hindi ito sang-ayon sa pagdala sa akin dito ni Aspen. sabay naman kaming naupo ni Aspen at sumunod si Giselle. Nakaramdam ako ng labis labis na anxiety dahil hindi ko alam kung paano ang aking dapat ikilos sa harap ng parents ni Aspen. Na

