"Are you trying to seduce me, Ms. Andielyn Arriola?" Hindi ako nakasagot sa mga sinabi ni Aspen dahil panay ang atras ko habang initutulak naman niya ako ng marahan. Gwapong-gwapo ito sa suot na itim na formal suit ngunit nanatiling magulo ang buhok nito. Napatili naman ako ng mapatid ang aking mga paa at mahulog ng tuluyan sa malambot na kama habang siya ay nasa aking ibabaw at halos tunawin ako sa kanyang mga titig. Napaka-ganda talaga ng mga mata ni Aspen. Ipinapaalala nito sa akin ang mga luntiang bukirin sa probinsya ni papa. Hindi nakakasawa iyong pagmasdan at isabay pa ang mapupungay niyang mga titig na waring nilalasing ako sa kaba at excitement na dulot ng mga mata niyang iyon. "Aspen... We have to meet your parents tonight." saway ko sa kanya habang inaamoy amoy nito ang leeg

