Matapos ang rolyo ni Mark sa drums sa huling original composed song namin ay pawisan akong nagpasalamat sa lahat ng mga dumalo sa event pati sa mga coordinator at producer. Walang tigil ang tilian at palakpakan ng lahat kasama si Maya habang si Chelsea naman ay panay ang hiyaw ng 'I love you' kay Mark. Natatawa namang bumaba si Mark ng stage at sinalubong ng yakap si Chelsea. Dalawang linggo na simula ng makulitan si Mark at pumayag na makipag-date sa kaibigan ko. "I'm impressed!" ani Vlad at iginiya ako sa backstage papuntang dressing room. Nakasunod naman sina Jim at Kevin bitbit ang kani-kanilang mga instrumento at sina Mark at Chelsea na magkahawak kamay. Napangiti ako sa kanila dahil alam kong masaya sila sa isa't-isa. May naramdaman akong kaunting inggit but it felt irrelevant so I

