Isang oras na yata akong tulala sa kisame. Dalawang araw na ang nakalipas ngunit di parin mawala sa isip ko ang nangyari sa bar at kay Glessy. Nanunuot pa rin sa alala ko ang mga titig na iyon ni Aspen noong inihatid nya ako pauwi. Kahit na halos buong araw kaming nagpractice kinabukasan ng gabing iyon at recording magdamag kahapon ay hindi pa rin nawala ang pag aalala ko sa kaibigan ko at kung sino ang babaeng kasama ni Aspen ng gabing iyon. Ang nakakainis pa, nakakaramdam ako ng pagkabwisit sa kanilang dalawa kahit hindi naman dapat. Sa sobrang pag iisip ko sa mga nangyayari ay nawawalan ako ng ganang kumain. Iniiwasan na ako ni Glessy matapos ang nangyaring iyon at si Aspen naman ay mas naging bugnutin ng 20% kesa sa normal nyang pagkabugnutin. Parang gusto ko nalang magkulong sa kwar

