"I'm so sorry, Ms. Arriola," Natulala ako sa tinuran ng doktor. Pakiramdam ko ay gumuo ang mundo ko ng ipaliwanag niya sa akin ang aking totoong karamdaman. Gusto kong umiyak ngunit hindi ako makaiyak. Labis na shock ang aking naramdaman nang ilahad niya ang lahat sa akin. Binigyan niya ako ng mga kaukulang gamot at mga schedule na dapat kong puntahan at gawin sa lalong madaling panahon. Umalis ako ng ospital na parang wala sa sarili. Ano na ang dapat kong gawin? Pinilit kong maging positibo. Alam kong hindi pa huli ang lahat. May posibilidad pa akong gunaling ayon sa doktor kung mas bibigyan ko ng pansin ang aking kalusugan. Sinimulan ko ang iba't ibang routine ng pagkain ng healthy foods. Hindi man ako makapag ehersisyo dahil mabilis akong mapagod at malaki ang pagbaba ng aking ti

