Wala na akong nagawa kundi ang humingi na rin talaga ng tulog mula kay Giselle. "Here, Andy. I'm sorry I wish I could do more for you pero binalaan ako ni Daddy na kapag tinulungan ko kayo, he told he will also disown me. I withdraw the cash from Sylvia's account para hindi ma trace ni Daddy and I'll just pay her kapag naging ok na lahat." ani Giselle. Nasa loob kami ng kanyang kotse at nag-uusap. Siya ang sumundo sa akin mula sa work. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Naiiyak ako. Pero ayokong makita ni Giselle na nawawalan kami ng pag-asa ni Aspen. Sa bar pa rin na iyon nagtatrabaho si Aspen at ussual na amoy alak ito pag-uwi. Halos wala na kaming oras pareho dahil sa dobrang busy namin na mapunan ang lahat ng pangangailangan lalo na

