"Meet me in this place. I need you." Nanlalaki ang mga matang binasa ko ang mga email na iyon ni Sylvia kay Aspen. Biglang akong nilukuban ng hindi maipaliwang na kaba. Naramdaman kong isa-isang nagtuluan ang aking mga luha pababa sa aking pisngi habang nakatutok ang aking paningin sa mensaheng iyon ni Sylvia. Baka may gusto lang ipa-asikaso ito kay Aspen? O kaya baka may kailangan lang itong ibigay o kunin? Hindi kaya't masyado lamang akong nag ooverthink? Hindi ko na napigilan ang pagiyak dahil hindi ko kinakaya ang sakit na gumuguhit sa aking dibdib. Hindi naman siguro gagawin sa akin ito ni Aspen hindi ba? Hindi ba? Aspen... Agad kong pinunasan ang mga luha dahil iniisip kong baka namisunderstood ko lang ang mensaheng iyon. Alam kong hindi ako magagawang lokohin ni Aspen. Pero gaa

