Chapter Forty Seven

1666 Words

Alenah POV After 5 hours Nagdududa ako sa kinikilos ng dalawa kong kaibigan hindi sila nag-gaganito kung walang gagawin na kalokohan. "Uy! Saan nyo ako dadalhin?" tanong ko nang naglalakad na kaming dalawa kasunod si Alexie na hawak ang cellphone nito. "Dun sa parlor," sagot ni Yecka sa akin at hinila niya ako sa kamay ko. "Anong gagawin natin dito?" tanong ko nang makarating kaming tatlo sa parlor. "Ano bang ginagawa dito?" pilosopong sagot ni Yecka sa akin at inirapan niya ako. "Nagpapaganda." sabat ni Alexie sa amin. "Miss!" tawag ni Yecka sa isang bakla. "Ano po 'yon?" tanong ng bakla sa amin nang lumapit siya. "Ayusan mo kaming tatlo madali!" atat nasabi ni Yecka sa baklang lumapit sa amin. "Okay po," sagot ng bakla kinuha ang lahat ng kagamitan at tumawag ng dalawang kasam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD