Drei POV Sa hotel kung saan kami ngayon ng mga kaibigan ko. Kainis sila! Pero, kinakabahan ako ngayon hindi ko alam kung bakit?! Nasabi ko na lang sa isip habang naghihintay. "Brad!" tawag ni Clyde sa akin nang lapitan ako. "Oh! Nasaan tayo?" tanong ko sa kanya. "Dito, brad." sigaw ni Emman tinuro ang kwarto na hinintuan namin ni Clyde. "Anong gagawin natin dito? Uuwi na ako may trabaho pa tayo bukas." sabi ko sa kanila nang itulak ako ni Clyde sa loob ng kwarto. "Dito nga sa hotel gagawin ang party namin para sa inyo," sabi ni Xhey sa akin. "Hahaha! Nakukulitan na siya." asar ni Eds sa kaibigan namin. "Tse! Tara na nga." sabi ni Xhey tumalikod na lang siya kaagad. "Hahaha!" natawang sabi ni Clyde. "Ano 'yan?" tanong ko nang may pinasok na box sa loob ng room nila. "Box," pilo

