PARANG NANGHIHINA ang tuhod ni Becky nang naroon na sila sa tapat ng bahay ng mga San Victorio. Kung kanina ay medyo malakas pa ang loob niya, nggayong malapit na nilang makaharap ang mga magulang ni Hugh ay naglaho na ang lahat ng iyon. Napansin niya nga ring medyo kinakabahan din naman si Hugh pero itinatago lang nito iyon sa pamamagitan ng pagngiti. Aware naman siyang gagawa ng paraan ang mga magulang nito para maghiwalay sila dahil nasabi na rin ni Hugh sa kanya ang napag-usapan noong pumunta ang mga ito sa ospital. Ang hindi inakala ni Becky ay magiging ganoon kabilis ang pag-aksyon ng mga gulang nito. Ilang araw pa lang kasi ang nakakalipas mula nang magkita-kita sila sa ospital ay tinawagan ni Eduardo si Becky para imbitahan sa bahay ng mga ito dahil gusto daw siya nitong ma

