Prologue
NAGLALARO ang pitong taong gulang na si Hugh ng kanyang de-remote na kotse. Walang tao sa bahay nila dahil may pinuntahan ang Mama niya. Hindi rin dumalaw sa mansyon ang kanyang kaibigang si Erin kaya mag-isa siyang naglalaro. Bored siyang wala siyang kalaro pero sabi ng Papa niya ay hindi daw siya makakasama sa kanya-kanyang lakad ng mga ito. So, he bought him a toy car instead.
Sobrang ganda nito at tiyak na siya na ang may pinakamagandang toy car sa mga kaibigan niya. He can't wait to show it to his friends. But for the meantime, he tried playing with it. Pinaikot-ikot niya ito doon sa living room sa second floor ng bahay nila hanggang sa hindi niya sinasadyang maibundol ang kotse-kotsehan sa pinto ng office sa bahay ng Papa niya. Sa gulat niya ay bumukas iyon.
Curious na napalingon siya sa office ng Papa niya. Palagi kasi siyang pinagbabawalan ng Papa niyang pumasok doon. Ang totoo ay parang wala namang ibang nakakapasok doon kundi ang Papa niya. And he was too curious what was in there. Palingon-lingon siya sa living room para tingnan kung may tao at nang makitang wala ay dahan-dahang binuksan niya ang pinto ng office ng Papa.
Nagtaka siya kung bakit may kama sa loob. Doon na kaya natutulog ang Papa niya?
Nagpalinga-linga siya sa paligid at nakakita ng ilang bagay na hindi niya alam kung ano at hindi niya maintindihan kung para saan. Nanlaki pa ang mga mata niya nang mapansin niya ang iba ibang klaseng pamalo roon. Iyong iba ay parang latigo at iyong iba naman ay may parang balahibo pa sa dulo.
Naku! Baka pamalo sa kanya iyon! Tiyak na magagalit ang Papa niya kapag nalaman nitong pumasok siya doon.
Biglang kinabahan si Hugh at inulan ng takot. Aalis na sana si Hugh kaya lang ay nakarinig siya ng boses doon sa living room sa second floor. Dali-daling kinuha niya ang toy car at nagtago sa ilalim ng desk. Parang sasabog na ang puso niya sa kaba. He can't be seen. Tiyak ay papaluin siya ng Papa niya ng mga pamalo nito!
The door knob turns and he holds his breath. Baka pati paghinga niya ay marinig ng ama! Lalong bumilis ang pagtibok ng puso ni Hugh nang bumukas ang pinto at narinig niya ang mga papalapit na yabag. Mukhang may kasama ang Papa niya.
"Nasaan si Bella? Baka bumalik siya," sabi ng boses ng isang babae.
Nabosesan iyon ni Hugh. Boses iyon ng Mommy ni Erin.
"Si Tita Imelda iyon!" naisaloob niya.
Pero bakit nito hinahanap ang Mama niya? Gusto sana ni Hugh na ipaalam ditong umalis ang Mama niya pero hindi puwede. Hindi siya puwe/deng magpakita dahil siguradong mapapagalitan siya. Sayang. Gusto niya pa man din sanang tanungin dito kung nasaan si Erin.
But he kept still, holding his breath.
"Don't mind her," sabi ng Papa niya.
"Eh baka makita niya tayo."
"Wala akong pakialam sa kanya," anang Papa niya.
Napaigtad siya nang biglang may lumagabog sa ibabaw ng desk. Parang may naupo doon at maya-maya'y umuga-uga pa ang mesa. Hindi niya alam kung anong nangyayari pero natatakot siya dahil alam niyang malapit na malapit sa kanya ang ama. Paano kapag nakita siya nito?!
Niyakap niya ang kanyang toy car gamit ang kaliwang kamay at ang kanang kamay naman ay naitakip niya sa bibig habang pinipigil ang paghinga. He shouldn't make even a single noise.
Maya-maya ay parang gumalaw na ang Papa niya at ang Tita Imelda palayo sa desk. Pero alam niyang hindi pa ito umaalis ng silid. Pero bakit may mga nagsisikalabugang mga gamit? Anong ginagawa ng mga ito? Something isn't feeling right to him.
Bagaman ay natatakot, maingat na maingat na sumilip siya sa desk ng Papa niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang walang damit ang dalawa at naghahalikan pa. Mariing napapikit si Hugh dahil alam niyang hindi siya dapat makakita nang ganoon.
But why does his heart hurt? Why is his father kissing Erin's Mom? Sabi ng Mama niya ay ang love daw ang dapat kini-kiss? Eh bakit hindi ang Mama niya ang kini-kiss ng ama? Naisip ni Hugh na baka maging sad ang ina kapag nalaman nitong may ibang kini-kiss ang Papa niya.
Gusto niya nang umalis doon dahil nagiging sad na rin siya. Gagawa na lang siya ng paraan para hindi siya makita ng ama.
Kaya lang nang lumingon siya ay nanlaki ang mga mata niya nang makitang naka-harness ang ulo ni Tita Imelda na may ball gag at weird na collar. May nakatali din sa mga paa at mga kamay na parang kakataying baboy. Sinasaktan ito ng papa niya!
Nahihintakutang bumalik si Hugh sa pagtatago sa ilalim ng desk ng Papa niya. Parang ayaw na niyang huminga sa tindi ng takot na nararamdaman. Pinapatay nito ang mommy ni Erin! Lalong bumibilis ang pagtibok ng puso niya na para bang sasabog na ito. He doesn't like how it feels. He knows it's not right. At hindi niya na mapigilan ang sariling mapaiyak nang tahimik doon.
He's so afraid right now. Lalo pa nang makarinig siya ng mga ungol na palakas nang palakas. Erin's mom sounded like she's in pain and he can't do nothing about it. Baka kapag nalaman ni Erin na wala siyang nagawa ay magalit ito sa kanya. Ayaw niyang ma-sad din ito kagaya ng pagka-sad na nararamdaman niya.
Takot na takot man sa nakita ay tahimik nalang na umiyak siya sa ilalim ng desk ng Papa niya. Mariing ipinikit niya ang mga mata dahil ayaw na niyang makita ang mga pangyayari. Pero paulit-ulit iyong pumapasok sa kanyang isip na para bang nandoon lang ang mga ito sa mismong malapit sa mga mata niya. Tiniis ni Hugh ang lahat ng mga naririnig at mga eksenang paulit-ulit na pumapasok sa kanyang isip hanggang sa narinig niya na ang pagsara ng pinto. Pero inuulan pa din siya ng matinding takot at kaba.
Sa susunod talaga, hindi na siya papasok sa office ng Papa niya.