Wala akong nagawa kung 'di ang pumayag sa gusto ng dean ko na roon mag-OJT sa resort ng mga Alegre. Saad niya na malaking oportunidad na iyon sapagkat isa sa mga pinakamalaking kompanya ang papasukan ko at ang may-ari na raw ang gustong kumuha sa akin. Hindi na ako mahihirapang maghanap ayon pa sa kanya. Hindi niya rin gusto na sa maliliit lang na kompanya ako papasok at baka hindi related sa course ko ang ipapatrabaho sa akin. Nanghihinang lumabas ako ng office ng B.A department pagkatapos naming mag-usap ni dean. Dapat ang kasiyahang maramdaman sapagkat ilang tulak na lang ay makakapagtapos na ng pag-aaral ay tila pangangamba at panlulumo ang pumalit. Wala na talaga akong kawala sa mga Alegre. Kahit anong iwas ang gawin ko, tadhana na ang naglalapit sa akin patungo sa kanila. Mabili

