"Ayos ka lang ba Devin?" Tumango ako bilang tugon. Kahit madilim ang paligid, nakikita ko sa mukha ni Kingsley ang bakas ng pag-aalala. My heart skip a beat. "Who the hell are you! Gago ka! Bakit mo ako sinuntok?!" Sabay kaming napatingin kay Drake ng bigla itong sumigaw. Tumayo ito habang hawak ang labi. Masamang nakatingin kay Kingsley subalit bigla rin itong namutla nang mapagsino ang sinasabihan nito. "K–Kuya King..." Bakas ang panginginig sa boses nito. "Do that and you'll never set your foot here again, naiintindihan mo!" Mahina ngunit may diing wika ni Kingsley. Katulad ni Drake ay nakakaramdam din ako ng takot sa kanya. Ganito pala siya kung magalit. Nakakatakot! Paano na lang kaya kung malalaman niya ang tungkol sa kambal? Mas malala pa siguro ang makikita ko ngayon. Tila

