Five pm nang magsimula ang party ni Glenn. Maraming tao na pagdating namin doon. Unlike sa party ni Kingsley before, casual lang ang mga kasuotan ng mga bisita ngayon. Halos kaedad lang din namin ni Glenn ang naririto na kung hindi ako nagkakamali ay mga clasmmates at kaschoolmates niya. Nandito rin ang ilan sa mga kamag-anak niya at mga kaibigang sina Kiel at Harly na ngayon ay kausap niya. Si Mrs. Alegre ay may mga kausap ding mga bisita at gano'n din si Kingsley. Habang ako ay nasa isang table lang kasama ang dalawang bata. Kararating lang din namin dito at pinili kong pumwesto kami sa pinakadulong bahagi. "Daddy-tito gusto ko pong magplay." Napatingin ako kay Luke nang magsalita ito. Si Duke ay tahimik lang at nakatingin sa buong paligid. "Naku baby hindi ka pwedeng magplay. Magaga

