Mabilis kong nilisan ang lugar at nagmamadaling bumalik sa venue. Hapong-hapo ako kasabay ng pagsikip ng aking dibdib dahil na rin sa kabang nararamdaman ko.
Hindi ko na talaga mapipigilan ang paglabas ng katotohanan. Tadhana na mismo ang naglalapit sa pamilya ni Kingsley at sa kambal.
Pinili ko ang maghintay sa labas ng venue upang mabilis akong mahanap ng ipinadala ni Glenn.
Hindi naman ako mapakali sa aking kinatatayuan habang naghihintay. Panay ang lingon ko sa paligid. Nanginginig ang aking mga kamay at mga paa kasabay ang malakas na pagbayo ng aking dibdib. Marami ring pumapasok na kung anu-ano sa aking isip.
Hindi ko na alam ang iisipin. Mababaliw ata ako nito kapag tumagal pa ako rito habang nasa bahay at kasama ng pamilya ni Kingsley ang dalawang bata. Baka kung anu-ano na ang itinatanong nila sa mga ito.
Hindi ko alam kung gaano katagal ako naghintay bago dumating ang ipinadalang tao ni Glenn. His name is Daniel. Sumama agad ako rito.
Kinakausap ako nito habang naglalakad kami. Tango at ilang salita lang ang tinutugon ko rito para hindi akong masabihang rude. Wala nga akong maintindihan sa mga sinasabi nito because my head was already occupied to listen and understand what he were saying.
"Nandito na tayo sir." Hayag nito. Napatingin naman ako sa isang malaking bahay sa harap ko. Malaki at maganda. May mga nadaanan din kaming ibang bahay pero 'di hamak na mas malaki ang isang ito.
Ayon kay Daniel, ang mga iyon ay bahay kung saan namamalagi ang mga kamag-anak nila Glenn sa tuwing nagbabakasyon ang mga ito o kapag may reunion. At ang bahay sa harap namin ngayon ay ang kina Glenn.
Medyo malayu-layo ang lugar na kinaroonan namin ngayon sa sentro ng resort. Parang nasa kabilang bahagi ito.
"Pasok na ho tayo sir." I nodded. Humugot ako ng hangin bago sumunod kay Daniel.
Napatigin ako sa paligid ng bahay. There are lots of flowers and plants that are well trimmed na nagsisilbing gate ng bahay at bumubuo ng daan papunta sa pintuan nito.
Hindi na nakakapagtakang mahilig sa mga bulaklak. Kumatok si Daniel sa pinto at sa ilang sandali lang ay may bumukas nito. Isang babae na sa tingin ko ay nasa sikwenta o higit pa ang edad.
Napadako agad ang tingin nito sa akin. Ngumiti ako rito at nagbigay galang.
"Magandang hapon po sa inyo."
"Aling Pasing, siya po si sir Devin. Iyong pinapatawag ni Sir Glenn." Pagpapakilala sa akin ni Daniel dito.
"Ay siya na ba iyon? Halika ka hijo, pasok ka. Kanina ka pa hinihintay ni Glenn at ni Ma'am Yen."
Binigyan ako nito ng daan at kahit nangangatog ang aking mga tuhod ay pinilit kong pumasok. Sumalubong sa akin ang ingay ng boses ng nag-uusap na mga tao na kung hindi ako magkakamali ay galing sa dining area.
Kung maganda ang sa labas ng bahay ay mas maganda ang nasa loob. Mabango, malinis, malapad at maaliwalas. No wonder na bahay ng bilyonaryo.
"Halika hijo. Nandoon sa dining area sina Ma'am Yen, Glenn at ang mga pamangkin mo."
Isa sa mga malaking pagkakamali ko kung bakit ipinakilala kong pamangkin sina Luke at Duke sa mga tao at mismo sa kanila. Ngunit malaki rin ang naging dahilan ko kung bakit kailangan kong gawin ang bagay na iyon.
Sumunod ako kay Aling Pasing haggang sa nakarating kami sa dining area. Si Daniel naman ay umalis. Pupunta raw ito sa venue upang tumulong sa catering.
"Talaga po? Bibili niyo kami ng kuya ko ng maraming toys?" Rinig kong wika ni Luke pagpasok namin sa dining area.
"Of course! Bibili ko kayo ng kapatid mo ng maraming toys." Ani ng bababe na kung hindi ako nagkakamali ay si Mrs. Alegre habang kandong-kandong si Luke sa kanyang hita. Kaharap nila sina Duke at Glenn. Mukhang tapos na silang kumain base na rin sa mga pagkaing bawas na at sa kanilang mga pinggan.
Bumilis ang t***k ng puso ko sa nakikita sa mag-lola. Alam na kaya nito? Sinabi kaya ni Glenn? Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako mapanatag na walang alam si Glenn.
Sasagot na sana si Luke nang makita ako nito.
"Daddy-tito!"
Napabaling na rin ng tingin sa amin ang tatlo. Tumayo naman si Glenn, "Devin," at lumapit sa akin. Si Aling Pasing ay nagpaaalam na papunta sa kusina.
"Mom, siya po si Devin. Tito ng kambal at nag-alaga sa kanila since they were born. Devin, meet my Mommy."
"Hello po Mrs Alegre. Ikinagagalak ko kayong makilala at magandang tanghali sa inyo." Pinilit kong umakto ng normal kahit halos gusto ko ng matumba.
Ngumiti ito, ibinaba si Luke sa katabing upuan at tumayo. "Nice meeting you, Mr Devin. The pleasure's mine. Nice to finally meet you." Lumapit ito sa akin at nakipagshake hands. Nahiya ako dahil sa kalambutan ng kamay nito.
Maganda si Mrs Alegre. Kahit nalipasan ng panahon ay hindi pa rin kumukupas ang kagandahan niya. Kilalang-kilala ko siya dahil isa siyang news anchor noon. She sacrificed her career for her family. Hindi naman siya manghihinayang sapagkat isang bilyonaryo naman ang napangasawa niya. Nafeature nga sa T.V dati ang naging kasal nila. Hundreds of millions daw ang naging gastos ayon sa mga balita kaya hindi nakakapagtaka kung gaano kagarbo ang kasal.
Nakita ko pa nga ang isang malaking larawan nung ikinasal sila ng kanyang asawa pagpasok ko kanina. There were also pictures of Kingsley and Glenn and their picture as a family.
"You know what, I was amazed on how you arranged those flowers for Kingsley's party. I said to myself that I need to meet this person. Ngayon nga lang nagkaroon ng pagkakataon." Tumawa muna ito bago nagpatuloy. Ngumiti ako ng bahagya. "I didn't know that you're this young. Halos kaedad mo lang itong si Glenn and you're handsome too."
"Mom, be easy, okay? Dami mo na agad sinasabi kay Devin." Saway ni Glenn dito.
"What? Is there someting wrong to that Glenn Clyde?"
Hindi pinansin ni Glenn ang kanyang Mommy bagkus bumaling siya ng tingin sa akin. "Pagpasensyahan mo na si Mommy, Devin. Ganyan lang talaga siya, maingay. News achor kasi dati e."
Tipid lang akong ngumiti kay Glenn. Sa totoo niyan, parang wala nga akong naiitindihan ngayon. Masyadong blanko ang utak ko upang intindihin pa ang sasabihin ng mga tao sa paligid ko.
"So, ikaw pala ang nag-aalaga sa mga chikiting na 'to since they were born. You raised them well."
"Maraming salamat po." Pasimpleng hinawakan ko ang dibdib ko dahil sa kaba.
Alam na kaya ni Mrs Alegre? Sinasabi ba niya ang mga ito dahil gusto niyang magpasalamat sa pagpapalaki ko ng maayos sa mga apo niya at pagkatpos ay kukunin na niya ang mga ito sa akin? Iyon ba ang ibig niyang sabihin?
Pero bakit hindi siya nagagalit dahil sa pagtatago ko sa mga apo niya?
"I was even shocked when I saw them with Glenn. Akala ko nga mga anak niya."
"Mom!"
Napatawa ang ginang.
"Muntik na nga akong mahimatay kanina eh. I can't believe that my princess has kids already."
"Ang oa mo talaga Mommy."
"Could you please shut your mouth Glenn Clyde?! I am talking here with Devin."
"Eh para kasing tinatakot mo 'tong si Devin eh. Would you let him sit and take a rest first? Ang layo kaya ng convention dito tapos ang taas pa ng sikat ng araw."
"Ay oo nga pala. I'm sorry Devin, please take a seat." Paumanhin naman nito sabay paanyaya.
"Umupo muna tayo Devin." Hinawakan ako ni Glenn sa braso at pinaupo katabi ni Luke. Umupo na rin sila ng Mommy niya.
"Kumusta kayo ng kuya mo Luke?" Mahinang tanong ko kay Luke ng maupo at hinaplos ang buhok nito.
"Very good po Daddy-tito. Ang bait po ni Lola Yen tulad ni Kuya Glenn."
"Ganoon ba? Mabuti naman." Parang magbri-break down na ako ngayon dahil sa pinaghalong takot at konsesyang nararamdaman subalit kinakailangan kong pigilan ito. Hindi pwedeng panghinaan ako ng loob sa mga sitwasyong kagaya nito.
"According to Glenn, you already have your lunch with King, is that true?" Pagkuway tanong sa akin ni Ma'am Yen.
"Ah opo." Tipid kong sagot.
Napailing-iling naman ito at bumaling ng tingin kay Glenn. "Wow! I can't believe it. Natuto na pala ang kuya mong kumain ng lunch."
"Kaya nga Mommy eh. 'Di nga ako makapaniwala nang sabihin sa akin kanina ni Devin na kasabay niyang kumain ng lunch ang Kuya."
"Normally, breakfast at dinner lang kumakain 'yang si King. Nag-aalala nga ako sa batang 'yan. He always skips lunch especially when he's working. Kinakabahan nga ako kasi baka magka-ulcer siya. He's hard headed. He don't listen to me. Kahit nga sa Daddy niya, ayaw makinig. Palagi niyang dinadahilan ang pagiging busy niya sa trabaho." Kwento sa akin ni Ma'am Yen.
Ganoon ba talaga kabusy si Kingsley kaya hindi siya kumakain ng lunch?
"Kaya nga na-shocked ako kanina nang sinabi mong nakasabay mo ang kuyang maglunch. Hindi nga namin tinawagan ng Mommy dahil alam naming tatangi 'yon." Segunda ni Glenn.
Napayuko na lang ako. Ewan ko kung bakit bigla akong nahiya dahil sa nalaman. Malayong ako ang rason kung bakit kumain ng tanghalian ngayon si Kingsley.
Nagkataon lang siguro na gutom si Kingsley kaya naglunch siya. Baka hindi siguro siya nakapagbreakfast.
"Oh wait! Did you informed him that I'm already here, Glenn Clyde?"
"I already did Mom after I called Devin."
"That's good. Well, sana puntahan naman ako ng kuya mo rito. Hindi 'yong mga babae niya ang inuuna niya. Hindi na talaga nagbago."
Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso ko. Di kaya'y...
No! It can't be! Hindi pwede!
H'wag naman sana ang iniisip ko.
Marahil naramdaman ko lang iyon dahil sa naaalala ko ang kapatid ko. Dahil nasaktan din ako ng saktan niya ito.
Tama nga talaga si Glenn. Hindi na nagbago si Kingsley. Mapaglaro at mananakit pa rin ng puso ng babae. Hindi ba siya nakakarma sa pinaggagawa niya?
"Sisihin mo ang genes Dad kung bakit ganyan si kuya." Glenn rolled his eyes.
"Wala akong masasabi about d'yan. But one thing that I'm sure will happen. Titigil lang ang kuya mo once na mainlove siya. That he can sacrifice everything for that person. Gano'n ang Daddy mo eh. At sigurado akong mamana rin 'yon ng kuya mo. Hayaan na lang natin siyang ienjoy ang pagiging bachelor niya. He's only 23 though. So let him be."
Napatungo na lang ako habang nagsasalita ang mag-ina. Maliban sa wala akong sasabihin, nahihiya pa rin ako. Pero nakakatuwa na sa kabila ng karangyaan ng pamilya nila ay nakikita ko ang pagiging down to earth nila. Kahit kay Kingsley ay nakikita ko ito ngayon subalit hindi pa rin maikakaila na masama ang ugali niya.
"Kahit na mom. Nakakaawa kasi 'yong mga babae eh."
"I know that because I'm a woman also. But we cannot blame your brother because there's a part na may kasalanan din ang mga babae. In the first place, sila ang matino pagdating sa bagay na 'yan. You know boys can't control their raging hormones. Alam mo 'yan." Napatawa pa si Ma'am Yen sa huling sinabi niya.
"Could we stop talking about that? May mga bata tayong kasama Mommy oh."
Natauhan naman ang babae at humingi ng pasensya sa mga bata.
"Okay lang po lola. Atsaka wala po kaming naintidihan sa sinasabi ninyo ni kuya Glenn po."
Napahalakhak na ng tuluyam ang babae dahil sa sagot ni Luke.
"Ahm Luke, Duke. 'Di ba may binigay ako sa inyong mga laruan kanina? Bakit hindi kayo maglaro? Mag-uusap lang kami ng Lola Yen niyo at ng Daddy-tito niyo, okay." Ani Glenn sa mga bata.
"Sige po. Atsaka bawal di naman po kaming sumali kapag nagto-talk ang mga matatanda sabi ni Daddy-tito."
Napangiti si Glenn. "That's good. O siya, magplay na kayo ng kuya mo. Sasamahan kayo ni Yaya Pasing. Ya Pasing."
"Bakit hijo?" Tanong ng matandang babae nang tawagin ito ni Glenn.
"Pwedeng pakisamahan niyo po ang mga bata dun sa taas ya."
Tumango ito at dinala na ang mga bata sa itaas.
"I think its better that we talk in living area." Suhestiyon ni Glenn nang makaalis ang mga bata. "Para mailigpit na itong pinagkainan natin."
***
"So, how's your shop?" Ito agad ang naging bungad na tanong ni Ma'am Yen nang makarating at makapwesto kami sa living area.
"Maayos naman po. Kahit papano ay kumikita naman po ng malaki para sa mga gastusin namin."
"That's nice. But how did you able to managed a shop while your studying then nag-aalaga ka pa ng mga bata?"
"Time management lang po." Tipid kong sagot.
Napatango-tango ito. "Tama nga naman. Pero nakakabilib ka pa rin Devin dahil nakaya mo ang ganyang klaseng responsibilidad sa kabila ng edad mo. Not all people can do that."
"True Mom. And he raised the twins very well."
"Yah! Kibabait na mga bata. You know what Devin, I really like those kids. Maliban sa mababait, ang sweet din nila. I wish they were my apos. Nagulat nga ako nang makita ko silang dalawa kanina. Kumukhang-kamukha nila si Kingsley when he was their age."
Doon na halos kumawala ang puso ko dahil sa matinding kaba. Nanginginig din ang mga kamay at paa ko. Ito na ba? Tatanungin na ba nila ako tungkol sa katauhan ng mga bata?
"'Yan din nga ang ikinagulat ko nung makita ko ang kambal mom eh. I thought they were kuya's sons. Tuwang-tuwa na sana ako dahil sa wakas nakabuntis ang kuya. But according to Devin hindi naman si kuya ang ama ng dalawa. Well, that could be possible pero I know kuya. Puputi na lang siguro ang buhok niyo ni Daddy pero hindi pa kayo nabibigyan ng mga apo." Si Glenn naman ang napatawa.
Sana bumukas na lang ang lupa at lamunin ako ng buo. Hindi ko alam ang sasabihin.
Pero kahit papa'no ay nabunutan naman ako ng tinik dahil sa sinabi ni Glenn. Pero 'di pa rin dapat ako maging kampante. Hangga't nasa malapit sa amin ang pamilya nila ay 'di malayong lalabas ang katotohanan.
"Kunsabagay... There are cases naman talaga na magkakamukha ang tao. May term na tawag diyan eh. Wait, it starts with letter D. What's that term again Glenn Clyde? Nakalimutan ko na."
"Doppelganger. A german word for double. O 'yong may katulad na pangalan or magkamukha."
"'Yon nga!"
"May kilala nga ako na magkamukha sila but they are not related. There are seven billion people in the world kaya di maiwasang may mga taong magkamukha talaga."
"That's true Glenn." Pagsang-ayon ng kanyang ina sa kanya at tumingin ito sa akin. "But sure ka ba talaga na hindi si Kingsley ang nakabun—"
"Bakit naririnig ko ang pangalan ko?"
Napalingon kaming lahat sa taong nagsalita. "Hey, Mom!" Mabilis itong humakbang sa kinaroroonan namin at niyakap si Ma'am Yen.
Si Kingsley kasama si Ms Katleen.
"So how's your flight? Hindi ka ba napagod?"
"Alam mo talaga kung ano ang sasabihin para hindi ako magalit. Mana ka talaga sa ama mo."
"I love you."
"Bolero!"
"Hi Tita!" Lumapit na rin si Katleen at nakipagbeso sa babae.
"Feeling close talaga!" Narinig kong wika ni Glenn sabay ikot ng kanyang mata.
"Katleen." Pagkuway sabay silang umupo. "How are you? Kumusta pala ang Daddy mo?"
Nanigas naman ako sa kinauupuan ko dahil sa tabi ko umupo si Kingsley at magkadikit ang mga braso at hita namin. Ngumiti din ito ng malapad habang nakatingin sa akin.
"I didn't know na dito rin ang punta mo. Sana nagkasabay na tayong pumunta dito." Wika pa niya.
Pigil ang paghinga kasabay ang pagwala ng sisitema ko. Bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko.
Mas lalo akong nangamba lalo na ng magdikit ang aming balat. Kakaiba ang nararamdaman ko lalo na sa init na nagmumula sa balat niya. Ganoon pa rin kasi ang suot niya nang kumain kami kanina. Kaya buong braso namin ay magkadikit.
Pero hindi naman siguro gano'n. Ganito lang marahil ang nararamdaman ko sapagkat nakatabi ko sa upuan ang isang Kingsley Alegre.
Kaya kahit mahirap, pinilit kong ngumiti sa kabila ng nanginginig kong labi. Hindi ko alam kong makakatagal ako sa posisyong ito.
"Where are your nephews? You said they were here."
"Nasa taas sila kuya. Naglalaro." Si Glenn ang sumagot para sa akin. Nang tingnan ko siya, nakaukit sa kanyang mukha ang isang malapad na ngiti at tila may ibig itong ipinapahiwatig.
"Mhhh... W–What's with the smile?" Napansin din pala iyon ni Kingsley.
"Wala naman Kuya." Sagot ni Glenn at mataman akong tinitigan. May ibig ding ipahiwatig ang kanyang mata at hindi lang ako sigurado kung ano ito.
Napaiwas na lang ako ng tingin at napatingin sa dalawang babaeng nag-uusap. Hindi ko na alam kung saan na ang pinag-uusapan. Mga babae nga naman.
Tikom lang ang bibig ko lalo na ng mag-umpisa silang mag-usap tungkol sa mga negosyo, sa mga kilalang tao at sa magaganap na party mamaya ni Glenn. Wala rin naman akong naiitindihan na kahit ano sapagkat okupado ang buong pagkatao at isip ko sa magkadikit naming balat ni Kinglsey.
Parang hindi siya aware dito dahil hindi man lang siya umuusog kahit kunti. Kahit nasa dulo na ako ng sofa ay pinipilit ko pa ring iniisog ang aking sarili.
Tatlo lang ang sofa nila dito sa living area. Okupado ng dalawang babae ang mahabang sofa habang kay Glenn ang pang-isahan. Pandalawahan kasi itong kinauupuan namin ni Kingsley pero halos okupado na niya ito dahil sa klase ng pagkakaupo niya.
Nanatili akong tahimik habang patuloy silang nag-uusap. Nakapagsalita lang ako nang magpaalam na magbanyo. Nasagi pa ng kamay ko ang hita ni Kingsley kaya taranta kong tinungo ang banyo. Nagkamali pa ako ng daan pero mabuti na lang itinuro ito ni Glenn. Ang tanga-tanga ko na hindi ko man lang itinanong muna sa kanya. Napahiya tuloy ako.
Pagdating sa banyo ay napasandig agad ako sa likod ng pinto at napahawak sa dibdib kong sumisikip. Doon lang ako nakabawi ng hangin.
Actually, hindi naman talaga dapat ako pupunta rito. Ngunit ito na lang ang tanging paraan na naisip ko upang makawala sa sitwasyong iyon dahil alam kong pagsisihan ko sa bandang huli kapag hinayaan ko ang aking sarili na tumagal pa roon.
Wala na akong kapasidad para pumasan pa ng isa pang problema dahil alam kong iyon ang magiging dahilan upang tuluyan akong matalo sa ipinaglalaban ko. Mabuti na nga lang at wala talaga silang alam tungkol sa pagkatao ng mga bata kaya kahit papa'no nababawasan ang iniisip ko.
Inayos ko na ang sarili nang humupa na ang mga nararamdaman ko. Hindi naman kasi ako pwedeng manitili rito ng matagal kahit pa hindi ako kasali sa pinag-uusapan nila at baka kung ano pa ang isipin ni Glenn sa akin sa kuya niya. Hindi naman ako manhid para hindi malaman ang ipinapahiwatig ng mga kilos niya, ang ibig sabihin ng mga sinasabi niya at paraan ng pagtitig niya. Iniisip niyang may gusto ako sa kapatid niya.
Pero kunwaring meron nga, hindi ba siya magagalit sa akin?
Pero ano naman ang rason niya upang magalit? Hay Devin, napapraning ka na naman.
Napabuntong hininga na lang ako at lumabas na ng banyo.
Papaliko na ako sa daan papuntang living area at dahil na rin sa lalim ng iniisip ay hindi sinasadyang mabunggo ko ang noo'y papaliko ring si Kingsley patungo sa direksyon ko.
Muntik na sana akong matumba kung hindi lang mabilis na naagapan ni Kingsley ang pangyayari at nahuli niya ang likod ko ng kanyang braso. Pero pakiramdam ko para na rin akong natumba dahil sa magkadikit naming katawan, sa magkalapit naming mukha at sa magkatitig naming mga mata.
***