Pagkatapos magsimba ay pumasyal kaming apat sa isang mall. Unang ginawa namin ay nanood ng sine. Pagkatapos niyon ay pinaglaro namin ni Kingsley ang mga bata sa isang gaming station. Tinulungan ko rin siyang mamili ng mga gamit para sa mga ito. Nang nasa toy section kami, lahat ng tinuturo ng mga bata ay binibili niya. Pinagalitan ko nga ang mga ito pero sinabihan lang ako ni Kingsley na hayaan lang ang dalawa dahil unang beses pa lang niyang ginawa iyon para sa mga ito. At ang huli, kumain kaming lahat sa isang kilalang restaurant. "Ang saya-saya po namin daddy ko. Thank you po ng marami." Pahayag ni Luke sa ama nang makaupo kami sa isang bench dito rin sa loob ng mall upang magpahinga. "Ako rin daddy, masaya din po. Tapos kasama pa natin si daddy-tito ngayon." Segunda naman ng kapatid

