Maaga akong nagising kinabukasan para ihanda ang sarili. Excited na rin akong makita at makasama ang mga bata ng buong araw. Subalit paniguradong hindi ko ito mai-enjoy dahil nandoon ang kanilang ama. Hindi ganoon kadaling kalimutan ang ginawang panglalait ni Kingsley sa pagkatao ko at higit sa lahat sa pamilya ko. Dahil sa ginawa niyang iyon, muling bumalik ang galit na nararamdaman ko sa kanya na isinantabi ko ng sandaling panahon. Gayunpaman, pipilitin ko na lang na pakisamahan siya para makasama lang ang mga bata. Kakayanin ko ang harapin siya kahit nasasaktan ako sa tuwing nakikita siya. Bigla ko namang naalala ang paghingi niya sa akin ng tawad kahapon nang tawagan niya ako. Hindi ko alam kung paano ko iyon paniniwalaan lalo pa't pagkatapos niyang humingi ng tawad ay tumawag sa

