bc

YOUNG LOVE SERIES#2: When The Train Stops [TAGALOG]

book_age16+
146
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
age gap
goodgirl
self-improved
comedy
sweet
childhood crush
first love
friendship
school
like
intro-logo
Blurb

Para kay Marisse isa siyang prinsesa. Na lahat ng magaganda ay nasa kanya na, ang magandang mukha pati na ang kagandahan ng ugali. Kaya naman ang turing sa kanya ng limang lalaking magkakaibigan na isa siyang prinsesa. Kaya para sa kanya ito ay mga prinsipe na tagapagligtas niya.

Sa pagtungtong ng tamang edad niya, kailangan ba niyang pumili ng isang prinsipe sa kanila.

Basahin muna ang part 1 bago ito...

Title: He's 5 Years Older Than Me.

chap-preview
Free preview
Prologue:
MARISSE REZALDE POV:) "Para po!" Huminto naman ang jeep sa harap ng papasok sa LRT. Nagsibaba naman ang mga sakay na pasahero. Rinig ko kaagad ang ingay ng nga busina ng sasakyan, mga naghalong boses ng mga tao at mga naglalago ng paninda sa gilid ng daan. Bago pa ko bumaba, pinauna ko munang bumaba ang matandang katabi ko. Pagkadating nito sa dulo, umupo ito sa upuan na kinataka ko. Kaya lumabas na ako ng jeep. Tumingin pa ako sa matanda para makasigurado kung bababa ba ito o ibang ruta ang bababaan nito. Nakita ko namang maingat itong bumababa ng jeep. Aalis na sana ang jeep na mabilis ko ito pinahinto. "Kuya, sandali! Bababa si nanay!" Mabilis naman huminto ang jeep. Nakangiting tumingin sa akin ang matanda. Dahil sa awa ay inalalayan ko na ito bumaba ng jeep. "Dahan-dahan lang, nay ah?" Mahinahong sabi ko dito. Matagumpay namang nakababa ito at saka na rin umalis ang jeep. "Salamat, ineng." Pasalamat dito sa akin. "Sasakay ba kayo, nay ng tren? Gusto mo sumabay kana sa akin?" Prisinta ko dito. Umiling naman ito."Huwag na, ineng. Hihintayin ko dito ang apo ko. Dito kasi kami palagi nagkikita, bibigyan ko siya ng baon niya," wika nito. "Sige, nay. Alis na po ako ah? Ingat po kayo," paalam ko dito. "Salamat ulit, ineng. Pag magkita ulit tayo, papakilala kita sa apo ko. Mabait rin siya tulad mo," nakangiting pahayag nito. Ngumiti lamang ako ng matamis dito. Umalis na nga ako at iniwan si Lola. Pumasok na ako sa loob ng LRT dahil may 30 minutes nalang akong natitira at baka ma-late ako sa unang pasok ko sa eskwelahan. Transferee lang ako bilang grade 11 at ito nga unang araw ko sa bago kong eskwelahan. Naghihintay na nga ako ng susunod na bus. Kinuha ko sa backpack ko ang headset at sinaksak iyon sa cellphone ko. Pumili nga ako ng gusto kong patugtugin at pinatugtog ko ang favorite kong kanta. Pagkatapos, pinasok ko na ang cellphone ko sa bag habang nagsa-soundtrip ako. Nasa unahan lamang ang bag ko. Mula pagkabata hanggang ngayon, mas komportable akong nasa harapan ang bag kaysa sa likod. Feeling ko kasi mananakawan ako pag nasa likod ang bag ko. Mas mabuti na nasa harapan para safe. Habang naghihintay, naisipan kong kunin sa bag ang libro na binabasa ko. Binabasa ko lang naman ang English novel na binili namin ni kuya isang araw sa mall. Mahilig kasi ako magbasa ng mga kwento na english syempre tungkol sa mga prinsesa at prinsipe. Habang nagbabasa ako, naka-amoy na lamang ako ng pamilyar na pabango sa akin. Suminghot pa ako at pilit inaalala ang pamilyar na pabango na iyon. Ang bango at ang sarap niyang langhapin. "Saan ba ako naka-amoy na pabango na 'yon?" Sa isip kong turan. Napatingin na lamang ako sa gilid ko at nakita kong may lalaking nakatayo sa tabi ko. Naka-jacket na puti at naka-hood pa ito kaya hindi ko makita ang mukha nito. Duda ko na sa kanya galing ang mabangong pabango na iyon. Di ko namalayan na nasa harapan ko na pala ang tren kaya unahan tuloy ang mga tao sa pagpasok sa tren. Halos nababangga pa ako ng iba na dahilan nabitawan ko ang libro na hawak ko. Mabilis akong lumuhod at kinuha iyon sa sahig. Tumakbo na ako paloob ng tren at baka maubusan ako ng mauupuan. Kasamaang palad nga ay wala nang upuan. No choice kaya tumayo na lamang ako. Mas okay na ito kaysa ma-late ako ng pasok. Umandar na nga ang tren at saka ko pinagpag ang libro kong inapakan kanina ng mga tao. "Pasensya kana ah? Masyadong careless si mommy," mahinang bulong ko sa libro. Binuklat ko na ulit ito at pinagpatuloy ang pagbasa. Natigilan na lamang ako nang ma-amoy ulit ang mabangong pabango na na-amoy ko kanina. Suminghot pa ako at ninamnam ang napaka-bangong amoy na iyon. "Ang sarap singhutin," sa loob-loob kong sabi. Narinig ko na lamang ang nakaupong dalawang estudyante na nasa harapan ko na nag-uusap. "Ang guwapo naman niya," sabi ni estudyante one. Pareho kami ng school uniform at mukhang pareho kami ng school ng mga ito ng pinapasukan. "Oo nga. Ang perfect ng mukha niya," sang-ayon naman ni estudyante 2. Sa curious, napalingon naman ako sa gilid ko para makita ang tinutuloy ng mga ito. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at natigilan sa aking kinatatayuan. Para akong nakakita ng anghel na napaka-perfect ng mukha. Ang lalaking naka-jacket na nakatabi ko kanina ay iisa lamang na katabi ko ngayon. Pareho kami nakatayo at pareho kami na naubusan ng upuan. Di ko maiwasang mapanganga habang nakatingin dito. Parang may naglalarong mga bituin sa paligid nito at sabayan pa ang tugtog na pinapakinggan ko. Para akong nasa drama, slow motion ang nangyayari. Napaka-perfect ng pagkakatangos ng ilong niya. May pagkakasingkit ang kanyang mga mata at kulay almond iyon. Labi niyang napaka-kissable at napaka-pinkish. Ang tangkad niya kaya lalong bumagay sa itsura niya. Para akong nakakita ng lalaking nakakasilaw ang kaguwapuhang tinataglay niya. Kanina hindi ko nakita ang mukha niya, ngayon nakikita ko na. Napaka-guwapo niya. Natigilan na lamang ako nang tumingin ito sa akin. Tumama ang aming mga mata na dahilan na napasinghap ako ng bahagya. Doon tumibok ulit ng napakalakas ang puso ko. Wala akong naririnig na ingay sa paligid ko kundi ang t***k lamang ng puso ko. Parang tumigil ang ikot ng mundo ko habang nakatingin sa kanya halos sumasabay ang kantang paborito ko. Dahil doon mas lalong umaapaw ang kakaibang nararamdaman ko ngayon. Sandali! Parang pamilyar siya sa akin? Saan ko ba siya nakita? Nabangga na lamang ako ng isang batang naglalaro sa loob ng tren. Dahil doon, nabitawan ko ang librong hawak ko at natumba sa lalaking katabi ko. Nanlaki ang mata ko nang nasalo ako nito pero naramdaman ko ang kamay niyang nasa baywang ko at nakahawak naman ako sa dibdib nito. Gulat na iniangat ko ang ulo ko para makita ito. Walang eskpresyon sa mukha na tumama ang aming mga mata. Mas lalong nabaliw ang puso ko ngayon dahil sa nangyari. Ang lapit ng mukha niya at mas lalong gumuwapo siya sa malapitan---wait! Pamilyar talaga ang mukha niya. Siya si... Jeydon? Jeydon Lloyd Martinez?!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook