Kabanata 5: Kuwintas

1780 Words
MARISSE REZALDE POV:) "Mommy?!" Tumungo naman kaagad ako sa kwarto ng parents ko. Nakabukas naman ang pinto kaya pumasok na ako sa loob. "Mommy?" Tawag ko ulit. Naabutan ko naman na nakaupo sila sa kanilang kama. Sweet na sweet na sinusuklayan ni daddy ang mahabang buhok ni si mommy. Naka-damit na rin sila pantulog. "Bakit, anak?" Nakangiting sagot ni mommy. Mabilis na dumapa ako sa kama nila."Mommy, doon ba sila matutulog sa kwarto namin?" "Oo, doon daw sila. Ayaw nila sa kabilang kwarto---" Naputol naman sasabihin ni mama."Okay, thank you!" Sabi ko at bumangon kaagad. "Marisse, dito ka matutulog. Bawal ka tumabi sa kanila, puro lalaki doo---hoy! Marisse!" Umalis kaagad ako at hindi na pinakinggan ang mga sinabi ni mommy. "Pabayaan mo na. Ganyan ka din dati di ba? Gusto mong sumama palagi sa amin." Nakangiting pahayag ni daddy. Bumuntong-hininga na lamang si mommy at hinayaan na ako sa gusto ko. May ngiti sa mga labi na kumaripas kaagad ako ng takbo papunta sa kwarto namin ni Kuya. Sobrang excited ako ngayon. Ito 'yong unang pagkakataon na makakasama at makaka-bonding silang lahat. Sobrang happy ako na makakasali ako sa tropa nila. Matagal na ako naghihiling na sana isama nila ako sa masasayang araw nila. Curious ako kung ano ba sa pakiramdam ang salitang 'barkada'. Rinig mula sa labas ang ingay nila at alam kong sobrang saya nilang magbabarkada. Pagkabukas ko nang pinto, naabutan ko silang lahat na nagtatawanan at nagkakantahan. Nagkalat sa sahig ang iba't-ibang tsitserya at mga bote ng soft drinks. Meron ding pizza na dalawa palang nababawasan. Lahat sila nakaupo sa ibaba. Si Kuya Kaiser at Kuya Randall ang may hawak ng dalawang mic habang si Kuya Ax at Kuya Brylix ay magka-akbay at masayang-masayang sinasabayan ang dalawa sa pagkanta. Samantala si Jacket Boy naman, pinapanood ang mga ito na nagkukulitan. Lumingon naman si Jacket Boy sa kinaroroonan ko. Napalunok na lamang ako ng laway nang makitang sa akin siya nakatingin. Para akong nataranta nang MGA oras iyon. Hindi pinahalata, sinara ko na ang pinto at lumapit sa kanila. Napahiwalay na lamang sa pag-akbay si Kuya Brylix nang makita ako. "Princess!" Masayang saad nito nang makita ako."Dito ka sa tabi ko," yaya nito sabay sa gilid niya. Tahimik na tumabi naman ako dito. "Hoy? Ano ginagawa mo dito? Pinapatulog ka na ni mommy di ba?" Pagalit na saad ni Kuya Ax. Magsasalita sana ako nang sumulpot bigla si Kuya Brylix. "Hayaan mo na ang kapatid mo. Malaki na 'yan, hindi na yan bata." Tumigil naman sa pagkanta si Kuya Kaiser."Oo nga! Kung gusto niya maki-join sa atin, e di hayaan na natin. Prinsesa namin 'yan si Marisse, ginaganyan mo." Pagtatanggol din nito sa akin sabay ngiti sa akin. Inakbayan ulit ni Kuya Brylix si Kuya at sumakay na din kay Kuya Kaiser. "Oo nga! Prinsesa ko 'yan! Wag mo basta-basta papaalisin 'yan!" Pagkatapos sabi nito. Inis na napakagat labi nalang si Kuya. Pinag-iisipan pa rin nito if papayagan niya akong sumali sa kasayahan nila. Maya-maya pa tumingin ito sa akin na may tingin pa rin na parang hindi pumapayag. Di naman nagtagal, bumaling ito kay Kuya Randall. "Rans, ano sa palagay mo?" Tumigil naman sa pagkanta ito at bumaling sa amin. Tumingin muna ito kay kuya sunod sa akin pagkatapos tumingin siya kila Kuya Kaiser at Kuya Brylix. Dahil siya ang pinaka-panganay sa kanila, ito masusunod kung ano ang mangyayari. "Oo, okay lang." Sagot nito maya-maya. "Yes!" Si Kuya Brylix at Kuya Kaiser. "Ah?!" Naikunot ang noo na bulalas ng kapatid ko dahil sa sagot ng leader na. Nakangiting tumingin ulit si Kuya Randall sa akin."Prinsesa ko din 'yan si Marisse. Isa din ako sa prinsipeng poprotekta sa kanya at walang pwede pumalit at papaalis sa kanya." Na-touch naman ako sa sinabi ni Kuya Randall. Sobrang love na love talaga niya ako. Naalala ko, nung araw na malunod ako, nakita ko siya na umiyak at sobrang saya siya nang makitang okay ako. Sana siya nalang naging kapatid ko at hindi itong si Kuya Ax. Buti pa si Kuya Rans may pagmamahal sa akin. Pagkasabi, pinagpatuloy na nito ang pagkakanta. "Hindi kana mapapagalitan ng kuya mo. Mismong batas na ni Randall ang masusunod ngayon." Natatawang sabi ni Kuya Brylix sa akin. Nakangiting matamis na nagpasalamat naman ako. "Opo, salamat." Walang magawa, padabog nalang kumuha ng tsitserya si Kuya Ax sabay kain. Hakbay pa rin ako ni Kuya Brylix, sumabay na ito sa kinakanta nila Kuya Randall. Hindi ko maiwasang matawa habang pinapanood ang mga ito halos pumiyok pa si Kuya Kaiser. Kaya grabe naman umalpak sila ng tawa pagkatapos. Isang anino, napatingin naman ako sa kinaroroonan ni Jacket Boy. Ang atensyon nito ay kila Kuya Randall. Kahit tahimik siyang pinapanood ang mga ito pero nakikita kong masayang-masaya siya kasama ang mga ito. Natigilan na lamang ako sa aking pagkakaupo. Hindi ko inaasahan na masasaksihan ko ang matagal ko nang hinihintay. Slow motion na may lumabas na ngiti sa mga labi nito. Ngiting hindi lumalabas ang ngipin pero parang magnet na na-hook kaagad ako sa magandang ngiti niyang iyon. Tila bang huminto ang oras ng mga iyon. Para akong nakakita ng bituin na bigla na lamang nagningning na akala mo hindi magniningning. Pakiramdam ko, para akong nanalo sa lotto. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko. Para bang may tumubong mga bulaklak sa dibdib ko o para bang may sasabog dito at gusto kumawala. Hindi ko alam ang pakiramdam na ito. Napakabago nito sa akin. BRYLIX CALLEJO POV:) Umagalpak naman kami ng tawa nang pumiyok si Kaiser sa pagkanta. Sa sobrang epik na ginawa ng kaibigan namin, napalo-palo at naitulak-tulak ni Randall ito. "Hayop ka, Kaiser!" Tumatawang saad nito. "Princess, narinig mo 'yon---" natatawang baling ko kay Marisse. Hindi ko na lamang napatuloy ang sasabihin ko nang makitang tulala itong nakatingin sa ibang direksyon halos naitigil ko ang pagtawa ko. Sinundan ko naman ng tingin ang tinitingnan nito. Nangunot ang noo nang makita ang pinagmamasdan nito. Binalikan ko ulit ng tingin si Marisse. Mas lalong nagulat ako nang mahuli pa ring nakatingin siya sa kaibigan naming si Jeydon. Ngayon ko lamang nakita siyangq matulala sa isang tao. Pagkatulala na alam mong may kahulugan iyon. MARISSE REZALDE POV:) Nagising na lamang ako nang marinig kong sumara ang pinto ng kwarto. Inaantok pa, bumangon ako sa pagkakahiga sa kama para tingnan sila kuya na natutulog sa ibaba. Nakita ko namang kanya-kanya silang posisyon at masasabi kong ang gugulo nilang matulog. Himbing na himbing silang lahat na natutulog at mukhang na-low battery sila sa celebration nila kanina Nakita ko namang wala si Jacket Boy sa tabi nila. Siya ata ang lumabas ng pinto kaya ako nagising. Dahil nakaramdam ako na magsi-CR ako, bumangon ako sa pagkakahiga para lumabas at mag-CR. Pagkalabas ko ng kwarto, tumingin pa ko sa magkabilang hallway. Hindi ko nakita ang anino ni Jacket boy. Siguro, bumaba siya at magsi-CR din. Maingat ko naman sinara ang pinto ng kwarto. Pagkatungo ko sa hagdan, napatigil na lamang ako sa paghakbang nang makita si Jacket boy na nakaupo sa gitna ng stairs. Hawak ang cp at may tinatawagan na number. Di naman nagtagal, sinagot naman ng tinatawagan niya ang tawag niya. "Dad? Good morning po." mahinang bati nito sa kausap. Dad? Si Tito Lloyd tinawagan niya? "Good morning. Oh? Ba't ka napatawag?" "Alam ko pong alas 8 na ng umaga diyan kaya po nag-greet po ako sainyo." Napaka-sweet na boses na sabi nito. "Ano oras na diyan? Dapat natutulog ka ngayon." Tiningnan naman nito ang oras sa suot niyang relo."Alas 2 na po ng umaga dito, dad. Nagising po kasi ako kaya hindi na po ako makatulog ulit," paliwanag nito. "May gusto ka bang ipabili sa akin? Ipapa-deliver ko diyan." Umiling ito."Wala po, dad." "Magsabi ka lang kung may gusto ka ah?" "O-opo," utal na sagot niya."Dad?" "Hmm?" "Kamusta na po si..." tila hindi na nito pinatuloy ang susunod na sasabihin. "Kasama niya si Rowvic, nasa New York sila ngayon." Malungkot namang naibaba nito ang ulo. Maya-maya pa humugot muna ito ng hininga bago iangat ulit ang ulo at magsalita ulit. "Sige, dad, ibaba ko na po ang tawag. Pag umuwi na po sila diyan ni Rowvic, pakisabi po na miss na miss ko na po siya." Ramdam ko sa boses nito ang lungkot pagkasabi nito. "S-sige, anak." Pagkatapos, saka na niya in-end ang call. Pagka-end ng tawag, nakita ko pa mula dito ang wallpaper sa screen niya. Pinagmasdan pa niya iyon at sunod-sunod ang pagkakawala nito ng buntong hininga. Mommy niya ang nasa wallpaper ng cp niya. Namimiss na siguro niya ito. Nandito pa naman siya sa pilipinas at siya lang mag-isa dito. Kung namimiss niya, bakit siya pumayag na maiwan siya dito. Tumayo na ito sa pagkakaupo sa hagdan. Pagtalikod, nagulat naman kami pareho na makita namin ang isa't-isa. Nanlaki mata pa ito nang makita ako. Hindi namin alam kung sino unang magsasalita sa amin, sobrang awkward ang bumabalot sa pagitan naming dalawa. Siguro iniisip niya kung kanina pa ako nandito at narinig ko ang pinag-usapan nila ng daddy nya. Ako na ang bumasag sa katahimikan. "Hi? K-kanina ka pa dyan?" Nautal kong tanong. Umiling naman ito. "Ah, okay." Bumaba na ako ng hagdan. Gumilid siya para padaanin ako. Hindi ko pinahalata na kinakabahan at nahihiya ako sa kanya. Grabe! Kanina talaga pakiramdam pag hindi mo pa close 'yong tao. "S-sandali," Nagulat naman ako nang marinig ang boses niya. Tumigil ako sa paghakbang at lumingon dito. Ang lapit niya at isang baitang lang ng hagdan ang pagitan namin. Naka-angat ang ulo ko habang nakatingin sa kanya. "May gusto akong ibalik sa'yo," makahulugang pahayag nito. "A-ano?" utal kong tanong. May kinuha naman ito sa bulsa ng kanyang jacket at dahan-dahan inilapat ang kamay sa akin. Mabilis ko naman inilapat din ang aking kamay sa kanya. Nilagay niya sa aking palad ang kwintas na akala ko nawala sa dagat. Para akong na-estatwa habang nakatingin sa palad ko. "P-pa-paanong..." Hindi ko magawang sabihin ang gusto kong sabihin. Litong-lito at takang-taka na tumingin lamang ako sa kanya. Paano napunta ito sa kanya? Mula nang muntikan ako mauto, saka nawala ito nawala. Kaya akala ko sa dagat ko nawala itong kwintas na bigay ng lola ni daddy. Paanong napunta ito sa kanya? "Hindi ako makakuha ng tiyempo para ibigay 'yan sa'yo. Pasensya na kung ngayon ko palang naibigay." Pahayag nito. Hindi ko magawang makapagsalita at hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanya. Nalilito pa rin ako. Nagugulat pa rin ako sa nangyayari. Tumalikod na ito at umalis. Hindi pa siya nakakarating sa pinaka-dulo, nagsalita ulit ako. "Sandali, Jacket Boy."Lumingon naman ito. "Ikaw ba nagligtas sa akin noong nalulunod ako?" Seryoso kong tanong. Tumango naman ito dahan-dahan. Dahil doon, tumibok ng malakas ang puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD