DOUGZ’s POV Ngayon ang ika – fourth monthsary namin bilang mag-asawa. Gusto ko siyang gisingin kanina bago sana ako umalis kaya lang ay ang sarap ng tulog niya. Pagising-gising siya sa gabi dahil malilikot ang babies namin. Ako naman ay sanay sa kaunting oras ng tulog kahit noon pa. Nakakatulog ako nang masarap kapag katabi ko ang asawa ko. Masaya ako na nagustuhan niya ang mga bulaklak. Hindi ko siya agad binati kanina na kausap ko siya para naman magkaroon ng element of surprise ang pagpapadeliver ko ng flowers. Si Manang ang nandoon kaya sa kanya ko ibinilin. Siya ang nagreport sa akin ng pagdating ng bulaklak. Wala pa sa ibaba si Ivy kaya sa dining ko na lang ito pinalagay. Kung pwede lang na i-cancel ang meeting na ito ay ginawa ko. Pero hindi pwede kaya aagahan ko na lang ang uw

