IVY’s POV May meeting ang asawa ko sa probinsiya ng Batangas. Doon itatayo ang bagong project. Wala na akong pasok sa school. Graduation day na lang ang hinihintay ko para masabing tapos na ako sa pag-aaral. Nasabi naman niya ang tungkol sa lakad ngayon. Dito niya pinatulog sa bahay si Manang para may makasama ako. Simula nang wala na akong pasok, isinasama niya ako sa office o di kaya ay dito siya sa library nagtatrabaho para lang may makasama ako. Hindi niya ako isinama sa lakad niya ngayon dahil may kalayuan ito. May driver siyang kasama at ako ang may gusto na huwag siyang mag-drive kapag malayuang byahe. Nakikinig ako sa kanya at nakikinig din siya sa akin. Give and take. Kung ano ang tingin namin na parehong tama ay doon kami pareho. Kaya may oras siya para makipag-usap sa ak

