IVY’s POV Pagkatapos naming mag-lunch sa bahay nina Thisa ay napapayag ko rin ito na uuwi na ako. Kasabay ko ang mga magulang ko. Tahimik na si Tito Dougz, behave na siya. Seryoso ako sa sinabi ko kanina kahit may parte ng puso ko na natakot kapag binasted ko siya. Mabuti at nakinig siya sa akin. “Happy birthday po, Mrs. Martin,” bati kong muli sa may kaarawan. Nagpaalam din ako kay Thisa pero nagmadali na rin itong bumalik sa kwarto niya dahil masakit talaga ang tiyan niya. Madalas talaga na saktan ito ng tiyan. Baka may nakain na napasama na naman ang tiyan niya. “Bye, uwi na kami,” mahina kong sambit kay Tito Dougz. Nakonsensya naman ako na hindi ko siya batiin. Busy naman sina papa at mama habang kausap sina Tito Dax at Mrs. Martin. “Tuloy tayo bukas, pwede bang huwag ka na muna

