IVY’s POV “Kung sa amin pala kayo mag-lunch, bakit hindi ka pa sa amin sumabay?” turan sa akin ni Thisa. “Baka hindi pumayag sina mama at papa,” palusot ko kay Thisa. Ano kasing gagawin ko sa bahay nila? “Ano ka ba? Papayag sila lalo na’t ako ang kasama mo. Sige na, mag-food trip na lang tayo ngayon sa bahay at maglaro. Sa ibang araw na lang tayo manood ng movie. Madaming tao ngayon dahil Sunday,”pangungumbinsi pa nito sa akin. Hindi ko siya naawat at hinila pa ako kung nasaan sina papa at mama. “Tito at tita, sa amin ko na lang po pinapasabay si Ivy. Pupunta naman po kayo di ba po sa amin? Sige na po. Miss ko lang po ang best friend ko.” Mataman kaming nakatinging kanila papa at mama para sa sagot nila. Hindi ako nakisali sa pangungulit dahil kinakabahan ako kung doon kami kanila T

