Naihatid ko na si Ivy sa kanyang boarding house. Niyaya ko siya na kumain sana sa labas para makasama ko pa siya ng mahabang oras ngunit tumanggi ito. Alam ko naman na nahihiya lang siya kaya umayaw. Hindi ko na rin pinilit baka mainis pa sa akin. Okay na rin na naihatid ko siya. Ngayon alam ko na kung saan ang kanyang tinutuluyan dito sa Manila. Dumaan ako sa isang sikat na bakery para bilhan ng pasalubong ang aking Mommy at pamangkin na si Thisa. Gabi na, pero pwede naman nilang kainin ito sa umaga o di kaya ay midnight snacks. Naalala ko lang na gusto nila ng pasalubong at kailangan kong magpalakas sa aking pamangkin para ilakad niya ako kay Ivy, kapag hiningi ko ang tulong niya. Pagdating ko sa bahay, naabutan ko si Kuya Daxton na nasa wine bar. Umiinom siyang mag-isa. Tila malalim a

