IVY’s POV Madilim na ang tapos ng aming last subject. Halos mag-alas siyete na kaming pinalabas ng professor namin, nag-extend siya ng fifteen minutes. Wala kasi siya sa susunod na araw kaya may ipina-copy siya sa amin para iyon ang gagawin namin sa araw na wala siya. Ang mga kasama ko papuntang boarding house ay may kani-kaniyang sundo. Nandito sa school ang mga boyfriends nila at iba naman ay classmates din namin. Si Darren naman ay absent, hindi pa siya nakakabalik kahapon. Message niya sa akin ay bukas pa ang dating niya ng umaga. Paglabas ko ng gate ng school ay nagulat ako dahil pamilyar ang kotse na nasa labas. Kaya tiningnan ko kung nasaan ang may-ari. Wala namang nakatayo rito sa labas kaya inilapit ko pa ang mukha ko sa salamin ng bintana para maaninaw kung nasa loob ang driv

