DOUGZ’s POV First day ko para mag-report sa opisina ni Kuya Daxton. Nervous but excited. Mukhang napapadalas na ang pagiging nerbyoso ko nitong mga nakaraang araw. Addict na rin ako sa aking chat box. Kahit isa lang ang hinihintay ko. Wala na siyang sagot kagabi. Ako na lang ang mag-message uli sa kanya. “Hi, baby!” ay mali. Baka magulat. Burahin ko. Bakit ba baby ang pumasok sa isip ko? Baka naman mabigla o isipin na nagkamali ako ng pinadalhan. “Good morning, Ivy! Ingat ka sa pagpasok and don’t forget to eat your breakfast and lunch.” Hindi pa siya active kaya mamaya pa niya ito mababasa. Nag-shower na rin ako at nagbihis. After breakfast ay didiretso na ako sa building namin sa Makati. Ang Martin Genaral Enterprises o MGE Building. Hindi pa rin nakababa si Mommy. Si Kuya ay naka

