IVY’s POV Nagmamadali akong lumayo kay Tito Dougz. Mahirap na baka magkamali ako ng itatawag sa kanya, eh mahalikan niya ako. Sana ay hindi niya talaga maalala ang lahat bukas. Kung paano niya sa akin masasabi ang mga iyon? Problema niya na iyon. Hindi ako sigurado sa mga narinig ko sa kanya. Sabi ng puso ko, totoo. Pero ang isip ko, hindi totoo. Baka may agenda lang siya kaya niya pilit akong pinapaniwala. “Bestie, kanina pa kita hinahanap!” sigaw ni Thisa mula sa aking likuran. “Nagmadaling umuwi si Russel, at ng tinanong ko kung nasaan ka ay may lalaki raw na lumapit sa iyo. Sino ba yung lalaki na sinasabi niya? At saan ka nanggaling?” usisa ni Thisa. “Kinausap ako ni Tito Dougz. May sinabi lang siya sa akin. Nakalimutan daw niya,” palusot ko pa dito. “Kanina pa kayo nagkaus

