DOUGZ’s POV Pagkatapos kong magpaliwanag sa pamilya ko ay nagpaalam na muna ako. May nasalubong pa akong nag-o-offer ng alak, kumuha ako ng isa at mabilisan ko lang ding tinungga. Pumasok na ako sa loob ng bahay at diretso ako sa room ko. Dito, malaya kong mapagmamasdan si Ivy ng hindi nila nakikita o napapansin. Tapat na tapat sa akin ang dalaga. Kinuha ko ang binoculars ko para mas makita ko ito ng malapitan. Pinasadahan ko ito ng tingin mula sa mukha at sa katawan na hindi natatakpan ng table. Tahimik lang siyang nakaupo habang may kausap ang kanyang mga magulang. Hindi rin nagsisitayo ang mga bisita dahil ise-serve ang food sa kanilang table. Panay haplos nito sa kanyang nakalitaw na mga braso, senyales na nababagot na siya. O di kaya ay nilalamig. Panay rin ikot ng kanyang panin

