DOUGZ’s POV Kailangan pala may mutual friend kami ni Ivy, para makita ko ang account niya sa sss. Salamat sa pamangkin ko ay nakapag-send na ako ng friend request kay Ivy. Kanina pa ako patingin-tingin sa phone ko pero wala pa rin. Hindi pa rin niya in-accept ang mga request ko. Nagmemeryenda kami ng pamangkin ko. Para turuan ako ay nagpalibre pa sa akin. Ang daddy nga niya ang mayaman pero ako ang laging binubudol. “Thisa, wala pa rin. Hindi pa rin niya ako in-accept.” Naiinip kong tono rito. “Tito, have patience. Malamang busy pa yung tao. Ngayon pa lang siguro iyon nakabalik sa boarding house. Pwedeng naglilinis at nag-aayos ng mga gamit. At saka madami ka pang pwede padalhan ng request, bakit naman si Ivy ang kinukulit mo po?” natigilan ako sa mga pinagsasabi nitong pamangkin ko.

